^

PSN Showbiz

Aktor na naging maluho noon, abala sa panghihingi ng ayuda ngayon!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ngayon na lang siguro napag-iisip-isip ng isang kilalang male personality ang kahalagahan ng pananalapi. Ngayong pandemya na lang.

Bulagsak kasi ang lalaking personalidad na ito sa pera, hindi niya iniisip ang kinabukasan, gastos siya nang gastos sa mga walang katuturang bagay.

Nu’ng kalakasan ng kanyang kinikita ay hindi mo siya makikitang nakatambay lang sa bahay kapag wala siyang shooting o taping. Talyer ang palagi niyang pinupuntahan.

Kuwento ng aming source, “Du’n siya nagbababad. Nauubos ang maghapon niya sa kababantay sa mga ipinagagawa niya sa sasakyan niya. Magarbo ang kotse niya, loaded, parang pang-disco ang sounds niya!

“May mga ilaw pa ang ilalim ng sasakyan niya na parang UFO ang dating! Pati ang bubong, ipinaaayos niya, naka-sunroof, napakagara talaga ng sasakyan niya!

“Palibhasa, nu’ng bata pa siya, e, ni wala siyang kahit laruang kotse, ‘yun ang naging pangarap niya, magagandang sasakyan na natupad naman!” unang kuwento ng aming impormante.

Malaki ang talent fee ng male persona­lity dahil imperness, magaling naman kasi siyang umarte, daang libo per day ang TF niya.

Patuloy ng aming source, “Pero ganu’n nga siguro ‘yun, habang lumalaki ang kinikita, e, kung anu-ano naman ang pinagkakaabalahan. Bukod sa luho niya sa mga sasakyan, e, nagbababad din siya sa sugalan!

“Napakalaki ng natatalo sa kanya, paminsan-minsan lang naman siyang sinusuwerteng manalo, kaya sayang na sayang ang mga pinagpupuyatan at pinagpapaguran niya! Nauuwi sa wala, ipinatatalo lang niya!

“Heto na, dumating ang pandemya, wala siyang naiipon. Wala na nga, e, matumal pa ang trabaho niya, kaya paano na? Abalang-abala siya ngayon sa panghihingi ng ayuda sa mga kaibigan niya.

“Didilim na kasi ang mundo nilang mag-anak, lubog siya sa utang sa kuryente, hindi kasi niya inasikaso ang pagbabayad nang maraming buwan.

“May mga love letters na siya ngayon sa ilaw, tubig, pati sa mga hinuhulugan niyang kung anu-ano, naniningil nang lahat! Saan siya kukuha ng pambayad ngayon?

“Nakakaloka ang male personality na ito, inuna muna niya kasi ang kanyang mga luho, kaya wala siyang madukot ngayon!

“Sayang naman ang name niya, napakaganda ng kahulugan, panalung-panalo! Pero kabaligtaran ang nangyayari sa kanya ngayon, olat na olat siya!” pagtatapos ng napapailing naming source.

Ubos!

Ala-rapunzel na eksena nina Julia at Gerald, pinagbibintangang all for show lang

Reaksiyon ng ating mga kababayan ay napakahaba raw talaga ng hair ni Julia Barretto. Feeling daw ng dalaga ay kasinghaba ng buhok ng makasaysayang si Rapunzel ang kanyang hair nang malayuan silang magpalitan ng “I love you” ni Gerald Anderson sa veranda ng isang hotel.

Para sa iba ay katsipan ang ginawa ng aktor na pagdalaw kay Julia sa Pampanga, ibang klase raw talaga umariba ang playboy na aktor, kaya marami itong nabibighaning kababaihan.

Pero aminin natin, pinakilig nang husto ni Gerald ang kanyang girlfriend, kitang-kita naman sa itsura ni Julia ang masuka-suka na niyang pakiramdam sa sobrang kaligayahan dahil sa ginawa ni Gerald, effort kung effort ang binata.

Natawa lang kami sa komento ng isang basher ng magkarelasyon, sabi nito, “O, ngayong pinakilig ka na ni Gerald sa veranda episode n’yo, siguro naman, e, aamin ka nang hindi bago sa iyo ang isaw?”

Sabi naman ng isa pa, “Ito talagang si Gerald, all for show! Talagang naka-video pa ang mala-Romeo and Juliet nilang pagkikita ni Julia!

“Naku, hanggang kailan ba ‘yan? Kapag may nakitang iba si boy, siguradong Bea Alonzo rin ang mangyayari kay girl!”

Kung maraming tagasuporta nina Julia at Gerald ang kinilig sa ganu’ng eksena ay marami ring hindi nagandahan sa nangyari. Ganu’n lang naman ‘yun, maasahan na ‘yun, hindi naman kasi lahat ay sasang-ayon sa senaryo.

Pero ganu’n silang magpakita ng pagmamahalan, ipinagsisigawan talaga nila sa buong mundo, atake nila ‘yun kaya wala nang magagawa pa ang kumokontra kina Gerald at Julia.

Hindi naman sila ang napagod sa pagbagtas sa NLEX para lang madalaw ng binata ang dalaga sa Pampanga, hindi naman sila ang nanganib ang buhay sa pagmomotorsiklo, kaya ibigay na natin ‘yun sa kanila.

Ang pagmamahal naman ay naipakikita sa iba-ibang paraan, sa iba-ibang hugis, sa iba-ibang atake. Napakaigsi lang ng buhay, kaya bakit nga naman pipigilan pa nina Julia at Gerald ang nararamdaman nilang pagmamahal sa isa’t isa, may krimen ba du’n?

May inabala ba silang mga motorista sa pagpapalitan nila ng “I love you!” nang pasigaw? May naingayan ba sa kanila?

Di ba’t kinilig pa nga ang mga nakakita sa kanila?

vuukle comment

AKTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with