^

PSN Showbiz

Isa pang Kapuso, magiging Kapamilya rin!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Marami ang naintriga sa pa-blind item ng taga-Kapa­milya channel na may isa pa raw Kapuso actress na malapit na ring lumipat sa kanila.

Ang huling napabalita noon ay si Lovi Poe pero hindi na nga siya ang natuloy sa The Broken Marriage Vow ni Jodi Sta. Maria at may balita ring may counter-offer naman ang GMA 7 para kay Lovi.

Kaya tinanong ko uli ang manager ni Lovi na si Leo Dominguez kung tuloy na ba sa Kapamilya si Lovi, smile na emoticon lang ang sagot niya.

Kinulit ko siya uli, sabi lang niya, “katatapos lang ang airing ng Owe my Love.”

Kahapon din ay may dinaluhan pang virtual event si Lovi sa New York para sa Philippine Indepen­dence celebration ng GMA 7.

Kasama pa niya roon ang partner niya sa Owe My Love na si Benjamin Alves.

Bianca matagal na sa Australia

Maghipag na pala sina Iza Calzado at Bianca King.

Ipinost ni Bianca King noong nakaraang weekend ang simpleng kasal nila ni Ralph Wintle, ang kapatid ni Ben Wintle na asawa naman ni Iza Calzado.

Hindi lang nabanggit kung kailan naganap ang kasal, pero kuha iyon sa Sydney, Australia na mukhang doon na sila nanirahan.

Matagal na ring inactive sa showbiz si Bianca at ang huli ko pa ngang balita sa kanya noon ay boyfriend pa niya ang bunsong kapatid ni Gov. Migz Villafuerte na si Julio Villafuerte.

Pero matagal na ring walang balita kay Bianca at noong bago pala nag-pandemic ay nasa Australia na pala siya.

Sabi nga niya sa isa pa niyang post; “Something good that came out of the pandemic. If I hadn’t gotten ‘stuck’ in Australia, Ralph and I might’ve been apart for years. But the universe decided I would arrive in Sydney a few days before the borders closed. Without closure on my Manila life, I settled in Australia. Being together almost 24/7 in the past year worked out for us!”

Nag-message ako sa kanyang Instagram kung balak ba niyang balikan ang showbiz, wala pa siyang sagot habang sinusulat namin ito.

DongYan mapapanood na uli

Dalawang linggo na lang ay matatapos na ang Heartful Café nina Julie Anne San Jose at David Licauco.

Mapapanood ito umpisa ngayong gabi pagkatapos ng replay ng Endless Love nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Mukhang na-enjoy ni Barbie Forteza ang guesting nila ni Jak Roberto noong nakaraang linggo sa nasabing serye. Nag-tweet pa siya na nag-let go na raw si Cors, ang character niya sa seryeng iyon.

Ngayong linggo naman ay sina Klea Pineda at Jeric Gonzales na ginagampanan si Ivy Mendoza at Warren Candelario na pinag-matchmake sa café ni Heart (Julie Anne).

Na-announce na rin na June 21 na magsisimula ang Legal Wives at ito na nga ipapalit sa timeslot ng Heartful Café. Ang First Yaya naman ay apat na linggo na lang din at matatapos na ang buong season nito. Bitin na bitin nga ang mga sumusuporta rito sa kuwento nina Yaya Melody (Sanya Lopez) at Pres. Glen Acosta (Gabby Concepcion).

Pero kailangan na nilang tapusin, dahil may mga naka-line up pang ibang drama series na nasimulan na ang taping. Malamang na ang ipapalit dito ay ang The World Between Us ni Alden Richards.

vuukle comment

KAPAMILYA

KAPUSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with