^

PSN Showbiz

AiAi, Eugene at Pokwang, magsasanib-puwersa?!

June Nardo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaayos na ang kontratang pipirmahan ni Pokwang sa GMA Network. Yes, tuloy na tuloy na ang pagiging Kapuso ni Pokie ayon sa aming source!

Eh sa impormasyong nasabi sa amin, hindi per project sa GMA ang gagawin ni Pokwang. Ang GMA Artist Center na rin ang magma-manage ng kanyang career!

Sa ngayon, ang mga bida sa mga comedy show ng network ay sina AiAi de las Alas at Eugene Domingo.

Naku, ang sarap pagsamahin sa isang show nina AiAi, Eugene at Pokwang, huh! Kanya-kanyang brand ng comedy ang istilo nila kaya maraming mapapasaya kapag natuloy ang dream project na ‘to, huh!

Bianca at Ralph, sa sala ikinasal

Idagdag natin sa listahan ng celebrities na ikinasal kahit may pandemic pa si Bianca King.

Ikinasal si Bianca sa Sydney Australia nitong nakaraang araw kay Ralph Wintle, brother ni Ben Wintle na asawa ni Iza Calzado.

Ang ipinagkaiba ng kasal nina Bianca at Ralph ay sa living room ng bahay nila sila ikinasal! Inihayag ito ni Bianca sa isang Instagram post. “Married in our li­ving room,” caption ng dating aktres.

Sa comment section, nagbigay welcome naman sa kanya ang bilas niyang si Iza. “Welcome to the family,” saad ni Iza.

Ilan pa sa celebrities na nagpaabot ng pagbati kina Bianca at Ralph ay sina Maxene Magalona, Raymond Gutierrez, Mariel Padilla at iba pa.                  

 

vuukle comment

GMA NETWORK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with