^

PSN Showbiz

Tito Sen pasok sa VP race!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Tito Sen pasok sa VP race!
Tito Sen

Exciting talaga ang election next year. Ang daming lumulutang na pangalan, kaya parang malilito ka na sa choices.

Mukhang papasok din si Sen. Tito Sotto sa Vice Presidential race katambal si Sen. Ping Lacson. Nun pa binalak din ni Sen. Tito na tumakbo as VP hindi lang natuloy, pero this time baka matuloy na.

Senate President si Tito Sotto, ika 3rd highest official sa bayan natin. Anak niya ang vice mayor ng QC na si Gian Sotto, dalawang anak niyang babae ang konsehal.

Nasa dugo talaga ng pamilya ni Tito Sen ang pulitika, maganda ang pakikisama niya sa showbiz, iginagalang ang mga Sotto sa daigdig na ito ng mga artista dahil kahit ang kapatid na si Vic Sotto maganda rin ang trato sa mga kasamahan.

Kaya palagay ko, type ng mga taga-showbiz ang balitang baka tumakbong VP si Sen. Tito o tito Sen.

Bongga ha, nice news kung sakali.

‘Di dapat mawalan ng pag-asa’

Parang kaloka naman na may pandemic, may brown-out at mahina ang water supply, heto pa ang bagyo.

O baka naman para isang buhusan lang ang problema, iyon bang ibigay mo na lahat ngayon, tapos bongga ang kapalit - wala nang pandemic, tuluy-tuloy na kuryente, malakas na uli ang tubig, at bumagyo lang para mabasa ang mga tanim at lumigaya mga farmer.

 Alam mo naman, minsan playful ang tadhana, bibigyan ka mga option, titingnan kung kaya mo pero maganda naman ang ending na ibibigay.

Kaya masarap ang buhay. Kaya sabi nga natin, dapat lang pantay-pantay ang karapatan, pero siyempre, pag may ­mayaman, may mahirap, pag may matalino, meron bobo, pag may maganda, may pangit.

Ganyan ang life, may dilim, may liwanag, may problema, may solusyon.

So habang may buhay andiyan ang pag-asa.

vuukle comment

TITO SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with