^

PSN Showbiz

Pagbakuna kina Aga, ipinaliwanag na dumaan sa tamang proseso

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Pagbakuna kina Aga, ipinaliwanag na dumaan sa tamang proseso
Aga at pamilya

Nang magpabakuna si Aga Muhlach, kasama ang kanyang asawang si Charlene Gonzales, at mga anak na sina Andres at Atasha, nabalita agad iyon sa social media.

Ang mismong LGU ng Muntinlupa ang nag-post sa kanilang social media page. Natural lang naman na gawin nila iyon dahil makakakumbinsi nga iyon sa ibang ayaw pang pabakuna. Kung si Aga nga dala ang buong pamilya nagpabakuna eh.

Ang problema kasi, bukod sa kulang na nga tayo sa bakuna dahil hindi mo naman masabi kung kailan darating ang mga donasyon, marami pa ang walang tiwala sa bakuna, kasi nga walang kasiguruhan lahat iyan. Pinag-aaralan pa iyan.

May mga LGU nga na nagbibigay pa ng bigas at mga de lata magpabakuna lang ang tao. Mayroon na may raffle pa sa lahat ng magpapabakuna. Kaya ang mga LGU, basta may artista o iba pang personalidad na nagpabakuna, ibinabalita nila iyan.

Dumaan si Aga sa tamang proseso. Nagsumite sila ng certification mula sa kanilang doctor na sila ay may comorbidities, ibig sabihin qualified sila sa ilalim ng A3 classification.

Naghintay silang tawagan at nang matawagan nagpunta sila sa parking ng isang mall sa Muntinlupa kung saan isinasagawa ang pagbabakuna. Hindi naman sila namili ng bakuna, natiyempo na ang isinaksak sa kanila ay Astra Zeneca.

Makalipas lang ang ilang araw, may mga basher na. Bakit daw si Aga Muhlach, kasama ang buong pamilya nabakunahan agad. Nangatuwiran naman ang city health officers na karamihan nandun nang magpabakuna sina Aga, na qualified sila bilang mga residente ng Muntinlupa at may naipakita naman mula sa kanilang private doctor na sila nga ay may comorbidities, at qualified nga sa A3 classification.

Bumanat na naman ang mga basher sa pagsasabing “pati mga anak A3”. Eh ano magagawa mo may certification nga mula sa isang licensed medical practitioner. Ano pa ang questions doon?

Siguro nga may mga naiinggit, kasi para namang VIP treatment ang dating eh. May picture pa na kasama ang lahat halos ng mga official ng City Health Office. Pero iyan po ay natural na nangyayari. Basta may dumadating na isang malaking personality, sinasamantala nila iyan na mag-picture taking bilang souvenir.

Hindi ibig sabihin noon ay VIP treatment na iyon.

Dumaan na tamang proseso sina Aga bago nabakunahan ang kanyang buong pamilya.

Dennis, inamin na kahit hindi kasalanan

Sa totoo lang, naawa kami kay Dennis Padilla nang mapanood namin ang isang interview sa kanya kung saan niya inamin ang lahat ng kanyang pagkukulang.

Inamin niya na dumating sa kanyang buhay na bumagsak siya at hindi halos masuportahan ang kanyang pamilya, na naging dahilan ng kanyang pakikipaghiwalay.

Noon daw umalis siya sa kanilang bahay, wala siyang pera kundi walong libong piso lamang.

 Wala raw siyang galit maging kay Marjorie Barretto. Naghiwalay nga sila. Tapos nakatagpo naman iyon ng isang manliligaw na “good provider pa”, kaya sabi nga ni Dennis hindi ‘yun kasalanan ng dating asawa.

Inamin niyang masakit para sa kanya na ang mga anak niya ayaw nang dalhin ang kanyang pangalan, pero wala na siyang magagawa roon.

Lahat ng kasalanan inamin na niya. Hinihintay na nga lang namin sabihin niyang siya ang bumaril kay Rizal eh.

Pero ano man ang sabihin nila, naniniwala kaming si Dennis ay may karapatan sa isang magandang buhay, at sana huwag naman siyang balewalain ng kanyang mga anak kung nagkulang man siya.

Male starlet, pumapatol sa live selling indecent proposal

 Mayroon kaming source na nagsasabing “may milagro” raw na nagaganap sa mga ginagawang “live on line selling sa internet”. Kung babasahin mo ang mga comment sabi ng isa naming source, marami ang mga indecent proposals sa mga live seller, na karamihan ay personalities din. Madalas may makikita kang “mine seller magkano”. Kung minsan naman ay sinasabing “may video seller”.

“Hindi malayo na iyan ay nagiging paraan din sa prostitusyon kaya kailangang bantayan. Hindi ka naman maniniwala na may  personalities na magtitiyaga riyan kung ganoon lang ang kikitain, kaya hindi malayo na may pumapatol din sa indecent proposals”.

May isa kaming source na nagsabi sa aming “oo, may isang male starlet na pumapatol sa ganyan”.

vuukle comment

AGA MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with