^

PSN Showbiz

Robi at Maiqui, si Piolo ang naging tulay

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Robi at Maiqui, si Piolo ang naging tulay
Robi at Maiqui
STAR/ File

Mahigit dalawang taon nang magkasintahan ngayon sina Robi Domingo at Maiqui Pineda. Ayon sa dalaga ay si Piolo Pascual ang naging tulay noon kaya sila nagkakilala ni Robi. “We owe Piolo everything,” nakangiting pahayag ni Maiqui.

“So there was this party during this Christmas. Katatapos lang ng ABS-CBN Christmas Special no’n. Every year naman, nag-a-attend ako ng after-party pero no’ng year na ‘yon, sabi ko, pagod na ako, ayoko na. but then again, this guy (Piolo) said, ‘Bro, nasaan ka na?’ Sabi ko, ‘Papa P ayoko na, pagod na ko.’ Sabi niya, ‘Mahiya ka naman, isipin mo na lang ‘yung oras na binigay sa ‘yo, ‘yung tiwalang binigay sa ‘yo ng ABS-CBN at ‘yon na ‘yung paraan para magpasalamat ka.’ After that, ‘yon, umakyat ako. In that event, I showed lots of gratitude. Doon ko nakita ko kung ano nga ba ‘yung ibig sabihin ng Kapamilya. Doon ko rin nakita kung ano ang ibig sabihin ng pagmamahal,” makahulugang pagdedetalye ni Robi.

Nasa naturang event din noon si Maiqui at doon na sila unang nagka­kilala nang personal ni Robi. “So I was alone lang kasi. No, I wasn’t alone pero I didn’t know anyone except Robi. Ateneo, you know, we’re batchmates. But we’re not naman friend. Like we just knew each other. So I said hi to him,” kuwento ni Maiqui.

Taong 2019 nang unang ipinakilala sa publiko ni Robi ang non-showbiz girlfriend at mula noon ay talaga namang naging masaya na ang relasyon ng dalawa. Sa ngayon ay napag-uusapan na rin nina Robi at Maiqui ang tungkol sa pagpapakasal.

Jayda, hindi nagmamadali magka-lovelife

Nagdiwang ng kanyang ika-labingwalong taong gulang na kaarawan si Jayda Avanzado noong June 1.

Bilang nag-iisang anak nina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado ay hindi na masyadong nanibago si Jayda lalo na raw sa pagiging independent woman. “Siguro number one talaga ‘yung pagiging independent especially sa panahon na’to. Let’s say sa trabaho, you are limited to going by yourself or isa lang ‘yung kasama n’yo. Madalas pagdating sa trabaho hindi ko nakakasama ‘yung magulang ko. But at the same time, gano’n ako matututo sa buhay. ‘Yan talaga ‘yung ini-instill sa akin. ‘Yung pagiging independent at kaya mo ‘yung sarili mo kahit anong mangyari,” pagbabahagi ni Jayda.

Kahit nasa wastong edad na ay sisikapin umano ng dalaga na makinig pa rin sa mga magulang lalo na’t pagdating sa buhay pag-ibig. “’Yung parents ko kasi saktong istrikto sila pagdating sa bagay na ganun. Hindi sila ‘yung helicopter parenting kumbaga. Sa akin it’s really more about I guess knowing your priorities. ‘Yon talaga ‘yung pinapaalala nila sa akin and sa akin. Hindi talaga ako nagmamadali pagdating sa pag-ibig. Para sa akin, pagdating ng panahon, darating naman si Mr. Right eh, hihintayin ko na lang siya. Ngayon tututukan ko muna ang sarili ko,” natatawang paliwanag ng singer.
(Reports from JCC)

vuukle comment

ROBI DOMINGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with