^

PSN Showbiz

Female personality na may nakaputong na korona mas pinili ng bilyonaryo kesa sa pamilya!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ilang pandemya man ang dumating ay wala nang anumang kailangang alalahanin ang isang female personality na nagmarka ang pangalan sa rampahan. Kahit kumain at matulog lang ang kanyang gawin sa araw-araw ay hindi na siya magugutom forever.

Naging karelasyon niya ang isang kilalang-kilalang pigura sa lipunan na nang magsabog ng kayamanan sa lupa ang kapalaran ay nagtanggal ng kanilang bubong kaya nakasambot nang sangda­makmak na kabiyayaan.

Kuwento ng aming source, “Iginarahe na siya ng billionaire businessman nu’ng kasagsagan ng career niya. Nag-aartista pa siya nu’ng una, pero nang mamatahan siya nu’ng bilyonaryo, nag-goodbye showbiz na ang female personality.

“Napakasaganang buhay ang niyakap niya, nakahiga na siya sa salapi, kung saan-saang bansa na siya puwedeng manirahan nang hindi siya nangangailangan ng hotel dahil may bahay siya sa bansang ‘yun.

“Ganu’n katindi ang pag-aalaga sa kanya ng bilyonaryong pigura, habambuhay na siyang mamumuhay nang sobrang yaman, wala na siyang hahanapin pa, reynang-reyna siya nga­yon,” unang impormasyon ng aming impormante.

Pamilyado ang bilyonaryong mangangalakal, kilalang-kilala ang kanilang pamilya hindi lang dito sa Pinas, maging sa iba-ibang bansa man.

Kuwento uli ng aming source, “Kung ang ibang babaeng personalidad na nangangarap yumaman, e, patingi-tingi lang na naaambunan ng biyaya ng mga kinakarelasyon nilang ya­yamanin, iba ang girl na ito.

“Baligtad ang naging scenario. Siya na ang pinakisamahan ng billionaire, iniwan na ang kanyang pamilya, ang female personality na ang naging reyna ng kaharian ng guy.

“Napakaganda naman kasi ng girl na ‘yun, maganda pa ang image niya, napaka­raming nagkakagusto sa kanya na super-gandang buhay rin ang ipinapangako sa kanya, pero sa bilyonaryong businessman siya nakisama.

“Alam ng family ng kilalang figure ang relasyon nila, wala na silang magagawa, mas pinili ng lalaki na siya ang pakisamahan. Pero hindi rin naman pinababayaan ng bilyonaryong negosyante ang pamilya niya, saganang-sagana rin ang kanyang misis at mga anak, it’s a tie lang kuno ang laban!

“Pandemya ba kamo? Walang pakialam du’n ang female personality na may nakaputong na korona sa ulo. Wala siyang pakialam! Kayang-kaya niyang magpa-community pantry araw-araw sa sobra-sobra niyang kayamanan!” pagtatapos ng aming impormanteng manghang-mangha sa na­ging kapalaran ng magandang babae.

Ubos!

Alma, ipina-Tulfo sa pambababoy sa nirentahang condo unit

Isang kababayan nating matagal nang nagtatrabaho-naninirahan sa Dubai ang nagsumbong kay Raffy Tulfo sa kanyang programa. Ang inirereklamo ng babae ay si Alma Moreno.

Ginawa ng staff ng matapang na news anchor ang lahat ng paraan para makapagbigay ng kanyang panig si Ness, pero ayaw niyang magsalita sa ere, si Kuya Raffy lang daw ang gusto niyang makausap off-the-air.

Sabi ng staff, “Sir, alam daw ng Diyos na wala siyang kasalanan, wala raw siyang kailangang ipaliwanag sa programa, kayo lang daw ang gusto niyang makausap at off-the-air daw po.”

Mabilis ang sagot ng host ng show, “Kung ganu’n ang gustong mangyari ni Ms. Alma Moreno, hindi ko gagawin ‘yun! Para namang tinraydor ko ang nagrereklamo kapag ginawa ko siyang kausapin!

“Kaya nga gusto nating kunin ang side niya, e, para maging balanse ang issue, pero kung ayaw niyang magsalita sa ere, hindi natin siya pipilitin!” madiing katwiran ni Kuya Raffy.

Tungkol sa condo unit na nirentahan ni Alma nang ilang buwan ang sumbong ng ating kababayan. Putol ang tubig at kuryente ng unit nang iwanan ‘yun ni Ness.

Napakarami ring basura nang puntahan ng may-ari ang unit, napakarumi, iniipis. Hindi na nito hinahabol ang balanse ni Ness sa upa ng unit, ang gusto na lang ng nagsusumbong kay Kuya Raffy ay ang bayaran ni Alma ang kinonsumo niyang kuryente habang nakatira pa siya du’n, ‘yun na lang.

Pero ayaw talagang magbigay ng panig niya si Alma, pabayaan na lang daw magsalita nang magsalita sa ere ang babae, pero si Kuya Raffy lang ang gusto niyang makausap.

“I will not talk to her. I will only do that in the pre­sence of the complainant, para balance ang issue,” sabi uli ng matapang na news anchor.

Natural, kilalang-kilalang artista si Alma Moreno, kaya napakaraming nam-bash sa kanya. Nakakahiya raw ang ginawa niya, basta na lang daw niya nilayasan ang unit nang putol na ang ilaw at tubig, napakarumi pa.

“Artista pa naman ang anak niyang si Winwyn Marquez, siguradong mapapahiya rin siya sa ginawa ng mother niya!” sabi pa ng isang nagkomento.

Reklamo pa ng complainant sa Wanted Sa Radyo, “Napakatagal ko nang tinatawagan si Alma, pero hindi niya ako sinasagot. Kahit text, wala. Ang kapatid lang niya ang nakakausap ko dahil busy raw si Alma.”

Sa ganitong sitwasyon ay napakahalaga ng komunikasyon. Inayos na lang sana agad ni Ness ang problema para hindi na siya inireklamo pa kay Raffy Tulfo na milyun-milyon ang nakatutok.

Maaaring may katwiran si Alma sa pangyayari, pero hindi ganu’n ang naging dating sa pagtanggi niyang magsalita sa himpapawid, siya ang nadiin nang todo-todo.

vuukle comment

TULFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with