Ali ‘di limot ni Mike
Aliw si Mike Enriquez kahapon.
Confirmed, naalala pa rin niya si Ali Sotto sa programa nila ni Arnold Clavio.
Matagal-tagal na ring wala sa DZBB si Ms. Ali dahil sa ilang mga pangyayari na kinokonek sa ‘sibuyas’ na itinanggi nito, pero obviously, hindi siya nalilimutan ni Sir Mike dahil nang ipakilala nito sina Arnold and Coney Sison kahapon sa kanilang morning show, si Ali ang nabanggit niya.
Hahaha.
Naalala ko tuloy si Kabayang Noli de Castro na isa sa pinaka-classic na narinig ko dati sa kanya ay hindi alam ang Ang Probinsyano ni Coco Martin samantalang noong may franchise pa ang ABS-CBN ay bukambibig ang nasabing action serye ni Coco.
- Latest