^

PSN Showbiz

From Miss U to Miss World? Rabiya Mateo bukas sumabak sa ibang pageant

Philstar.com
From Miss U to Miss World? Rabiya Mateo bukas sumabak sa ibang pageant
Kitang rumarampa sa entablado ang pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo sa ika-69 Miss Universe sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino, Hollywood, Florida, USA.
Rodrigo Varela/Getty Images/AFP Rodrigo Varela / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / Getty Images via AFP

MANILA, Philippines — Hindi isinasarado ng pambato ng Pilipinas sa nakaraang Miss Universe ang posibilidad na subukan ang kapalaran sa isa pang higanteng pageant: ang Miss World.

Ito ang naging pahayag ni Miss Philippines Rabiya Mateo matapos matalo sa 69th annual Miss Universe pageant nitong Mayo.

Sa panayam ni Boy Abunda sa kanyang vlog na "The Boy Abunda Talk Channel," in-address ng beauty queen ang elephant in the room lalo na't binubuyo na raw siya ng fans na gawin ito.

"I've been reading a lot of comments. I remember, after I lost, nag-trending agad 'Rabiya for the World'," aniya sa video interview noong Linggo.

"Let's give it two years siguro Tito Boy. Let's see. I'm not closing any doors."

 

 

Matatandaang nakapasok si Mateo hanggang sa top 21 ng Miss Universe 2020 ngunit hindi pinalad na makapasok sa top 10 — dahilan para hindi man lang siya umabot sa question and answer portion kahit inaabangan ito ng marami.

Nagkaroon din siya noon ng problema sa national costume competition noong patimpalak, kung kaya't hindi niya man lang naisot ang kanyang headpiece. Napaharap tuloy si Rabiya 'di kalaunan sa social media para umiyak at humingi ng tawad sa mga tangahanga noong araw ding 'yon.

Inuwi naman ni Andrea Meza ng Mexico ang pagkilala bilang Miss Universe 2020 noong coronation night para mangibabaw sa 74 iba pang kandidata.

Gusto niyo bang makita si Rabiya na subukan ang kapalaran sa Miss World? Abangan. — James Relativo

vuukle comment

MISS UNIVERSE

MISS WORLD

RABIYA MATEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with