^

PSN Showbiz

Josh desidido na, umalis na talaga sa poder ni Kris Aquino

James Relativo - Philstar.com
Josh desidido na, umalis na talaga sa poder ni Kris Aquino
Litrato nina Kris Aquino habang nagpapaalam sa anak na si Josh, kasama ni Bimby, ika-26 ng Mayo, 2021
Mula sa Instagram account ni Kris Aquino

MANILA, Philippines — Tuluyan nang bubukod mula sa kanyang ina't kapatid ang panganay ng aktres na si Kris Aquino, bagay na nauwi sa isang emosyonal na tagpo.

Si Josh Aquino, na 25-anyos na ngayon at may "special needs" (kapansanan) ay kilalang anak nina Kris at aktor na si Philip Salvador.

"Namili na si kuya josh, gusto na nya talagang tumira sa Alto (our family compound) in what he calls 'lola’s house,' in Tarlac," ani Kris sa kanyang Instagram post ngayong Huwebes.

"The 3 of us said our goodbyes yesterday afternoon… Pabalik na kami ni Bimb to our serviced residence while the condo we’ll be leasing is being readied."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino)

Ang tinutukoy na lola ni Josh ay si dating Pangulong Corazon Aquino, isang pamilyang nagmamay-ari sa kontrobersyal na Hacienda Luisita sa probinsya ng Tarlac. Pamangkin din siya ni dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III.

Kamakailan lang nang magkatampuhan pa sina Josh at kapatid na si Bimby Aquino, pero hindi na raw nila natiis ang isa't isa nang dumating ang oras ng kanilang paghihiwa-hiwalay.

"We are not a perfect family, nagka mahabang tampuhan yung 2 boys BUT nakuha talaga sa dasal, pasensya, at pagmamahal- finally kahapon naramdaman kong nabalik na yung dating higpit ng yakapan at kulitan/lambingan nung dalawa," dagdag pa ng aktres.

Nakiusap din ang aktres na 'wag nang haluan ng pulitika at "toxic negativity" ang tagpong ito, na siyang pinakakalat daw ng trolls. Aniya, ginagawa niya rin ito para na rin maprotektahan ang kanilang pamilya, lalo na't pinahahalagahan daw ng kanilang mga kamag-anak ang privacy.

Marso lang nang pumutok ang intriga na "nakabuntis" diumano si Josh habang naglalagi sa Tarlac, bagay na "fake news" lang daw sabi ng kanyang ina.

Abril naman nang tuwirang pinabulaanan ni Bimby ang mga paratang na siya'y bakla, na kanyang sinagot naman nang matapang.

"Wala, I don’t really feel anything. If you think I’m gay, alright. But you do realize that the gay community sa Philippines is a strong community. And you do realize that I’m 14," sabi ng kapatid ni Josh.

"I know what I am. I’m straight as an arrow."

Parehong hiwalay si Kris sa mga ama nina Josh at Bimby. Ang huli ay ang basketbolista na si James Yap, na kasalukuyang naglalaro sa PBA sa ilalim ng Rain or Shine Elasto Painters.

vuukle comment

BIMBY AQUINO

JOSH AQUINO

KRIS AQUINO

TARLAC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with