^

PSN Showbiz

Male personality na parang may kakambal na gayuma, sinasamba ng bagong karelasyon

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sabi ng mga beki, “Ang mestisong bangus, talagang dinadambana ng girlfriend niya! Kulang na lang na ipagpatayo pa siya ng rebulto!”

Talagang suportado ng female persona­lity ang kanyang karelasyon, hindi siya makapapayag na basta na lang wasakin ng kahit sino ang kanyang boyfriend, kaya ang tanong ng marami ay hanggang kailan?

Unang sultada ng aming source, “Magkaiba ang mga sinasabi ng ex ng guy at ng girlfriend niya ngayon. Totally different. Magkaibang-magkaiba ang pagde-describe nila sa guy.

“Natatakot lang ang mga nakakabasa at nakakarinig sa mga papuri ng girl sa BF niya. Paano raw kung pati pala siya, e, basta na lang iiwan ng guy? Ano ang gagawin niya?” unang tanong-opinyon ng aming source.

Nu’ng ipanganak kuno ang tisoy na male personality ay may kakambal itong gayuma. Kahit sino ang makasama nito ay bumibigay sa kanya.

Dagdag na kuwento pa ng aming impormante, “Hindi naman literal na gayuma ang meron ang male personality. Pero maparaan siya kapag may type siyang girl.

“Dinadaan niya ‘yun sa pag-aasikaso, ginagawa niyang reyna ang girl, ‘yung wala nang hahanapin pa, kaya bumibigay sa kanya. Malambing kasi siya, sobrang touchy, ipinararamdam niya talaga sa girl na silang dalawa lang ang nabubuhay sa mundo sa pag-aasikaso niya.

“E, sino namang babae ang hindi bibigay sa mga ginagawa niya? ‘Yung isang female persona­lity nga na sagana na sa experience, e, bumigay rin sa kanya, walang pakialam ang girl kung magkalayo man ang age nila!” napapailing na kuwento uli ng aming source.

Sinusuob ng papuri ngayon ng kanyang girlfriend ang male personality, puro superlatibo ang kanyang paglalarawan, kabaligtaran ng female personality na sinundan niya sa puso ng lalaki.

“Nakakatakot ang ginagawa ng girl sa boyfriend niya, extremes, ‘yun ang nakakatakot kapag nakaranas din siya ng kalokohan ng BF niya!

“Napakadiretso pa naman ng girl, sinasabi niya ang nararamdaman niya, kaya siguradong giyera mundial ang magaganap kapag iniwan siya ng guy para sa ibang babae!

“Nakakaawa naman si tisoy, walang kadala-dala, walang napupulot na leksiyon sa mga nakaraan niyang pakikipagrelasyon. Pero sasablay siya sa girlfriend niya ngayon kapag gumawa siya ng kalokohan!

“Ang girl na ito ang magiging karma niya, sa totoo lang!” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Management ni Mario, may nilinaw

Nakatanggap kami ng mensahe ng pagpapaliwanag ng management ng Thai actor na si Mario Maurer, ang Melomena, na ganito ang kabuuang laman.

“Hello everyone, we represent the Thai ma­nagement team representing Mario Maurer for commercial endorsements in the Philippines.

“With regards to all the false stories made by this Filipino personality against Thai celebrity Mario Maurer and his management team, as well as our partner representative in the Philippines, we asked Mario directly for clarity and to shed light on the matter. He is surprised that it has been 8 years since his last movie in the PH and since then his name has been used in this false narrative made by this person and spread in PH social media as well as the news.

“He acknowledged that by nature, he is merely being accommodating and respectful at the time. But that does not mean this person should use his welcoming hospitality to invent stories beyond working with Mario.

“Despite the non-stop trolling he is now experiencing from supporters of this person from the Philippines, Mario wishes her well and hopes that she finally stops spreading these false fantasy stories about him being involved with her romantically when it has always been just a cordial work related ties between them.

“We also confirm that the notice written by Mario’s legal team is legit and has been sent from his management team.

“In Thai culture, we believe to always keep the peace and respect between countries. Mario will always be thankful to the Philippines for the non-stop support.

“For more information, you may contact our agency Melomena directly at [email protected].

“We thank you all for your support.”

Parang blind item ang paliwanag ng mga nangangalaga ng karera ng Thai actor, walang tinutukoy na pangalan, pero alam na alam naman ng mas nakararami kung sino ang Pilipinang babaeng personalidad na nag-imbento ng mga kuwento tungkol sa kanilang dalawa ni Mario Maurer.

Parang pako ‘yun na nakalubog ang katawan pero nakalitaw naman ang ulo. Parang ostrich kapag naiinitan sa buhanginan na nakalubog ang ulo pero kitang-kita naman ang buong katawan.

Ha! Ha! Ha! Ha!

Willie, sumaludo sa ginawa ni John Lloyd

Saludo si Willie Revillame sa katatagan ng loob ni John Lloyd Cruz na pansamantalang talikuran ang kanyang karera para bigyan ng importansiya ang kanyang personal na buhay.

Sabi ni Willie, “Alam mo, believe ako sa kanya, ha? Hindi lahat ng artistang nasa height ng career nila, e, makagagawa ng ganu’n kay John Lloyd. Siyempre, sasamantalahin nila ang chance, di ba?

“Pero si Lloydie, sinabi niya sa akin na dumating ‘yung point sa buhay niya na na-burnout na siya sa daily routine ng buhay niya. Mula paggising ‘yun hanggang sa gabi.

“Routinary, wala na siyang sariling buhay, wala na siyang panahon para sa sarili niya, kaya siya nagpahinga,” kuwento ni Willie.

Sana’y nakapulot ng leksiyon si Willie mula sa kuwento ni JLC. Oras para sa kanyang sarili, masarap na tulog, hindi puro trabaho.

 

 

vuukle comment

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with