^

PSN Showbiz

Issa prank!: Miss Universe Philippines Rabiya Mateo nanggulat sa 'bagong gupit'

James Relativo - Philstar.com
Issa prank!: Miss Universe Philippines Rabiya Mateo nanggulat sa 'bagong gupit'
Litrato ni Rabiya Mateo habang nakasuot ng wig (kaliwa), bagay na ipinakita bago i-bistong joke time lang ito (kanan), ika-24 ng Mayo, 2021
Mula sa Instagram account ni Rabiya Mateo

MANILA, Philippines — Matapos matalo sa nakaraang ika-69 na Miss Universe, "new look" bigla si Miss Philippine Rabiya Mateo dahil sa mas maiksing buhok — or so we thought.

Ika-17 ng Mayo lang nang bigong iuwi ni Rabiya ang korona matapos magwagi ni Miss Mexico Andrea Meza. Gayunpaman, nakapasok naman siya sa top 21.

Sa bago niyang litrato, makikitang nagspo-sport ng maiksing "pixie cut" ang naturang beauty queen — dahilan para magulat ang kanyang fans. Pero agad naman niyang ipinaliwanag sa kanyang Instagram story na biro lang ito.

"Nah, just bluffing," patawang paliwanag ni Rabiya habang ipinakikita ang kunwaring short hair, Lunes.

"Don't worry. It's just a wig."

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)

 

Umani tuloy ng sari-saring reaksyon ang kanyang prank, hindi lang mula sa kanyang mga tagasunod ngunit pati rin sa mga kasamahan sa showbiz at peageants.

Kasama sa mga na-shock sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa, Miss Supranational 2013 Mutya Datul, atbp.

Biro pa nga ni Mutya, may kamukha siyang artista sa "bagong buhok." "[A]kala ko si @lizasoberano."

 

 

Matatandaang todo iyak lang sa social media si Rabiya noong ika-14 ng Mayo matapos bigong maisuot ang kanyang "headpiece" sa nakaraang national costume competition ng Miss Universe.

Si Mateo ang sinasabing una at nag-iisang Miss Universe 2020 bet na merong 1 milyong followers sa Instagram. Kasindami na niya ngayon ng IG followers ang nanalong si Andrea.

vuukle comment

MISS UNIVERSE

RABIYA MATEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with