^

PSN Showbiz

Andrea, naipagawa ang dream housesa kaka-post!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Andrea, naipagawa ang dream housesa kaka-post!
Andrea
STAR/ File

Malaki ang naitulong ng social media kay Andrea Brillantes upang matupad ang mga pinapangarap lamang noon.

Ayon sa aktres ay hindi rin biro ang kanyang mga pinagdaanan noon dahil sa pagiging aktibo sa social media. “Grabe ‘yung struggles simula no’ng bata ako. Kahit minsan sabihin ko ng ‘I hate it, I hate social media’ pero nang dahil dito natupad ko pangarap ko kasi. Hindi naman talaga ako ‘yung madaming teleserye,” bungad ni Andrea.

Sinikap umanong maging aktibo ng dalaga sa TikTok noon at ngayon ay mayroon ng mahigit 12 million ­followers. “There were times na wala akong teleserye. Kaya nagsipag ako mag-post, stay relevant. Nagsipag ako sa TikTok, sa Musically para makakuha ng maraming raket. At sobrang nakatulong sa akin ‘yon,” pagtatapat niya.

Malaking bahagi ng kinita si Andrea sa social media ay napunta sa pagpapagawa ng kanyang dream house. “Dahil sa social media na ‘yan natupad ko ‘yung makabili ng bahay. Hindi talaga siya actually sa teleserye kasi napupunta ‘yun lahat ng money na pangkabuhayan. So social media talaga helped me,” giit ng aktres.

Kahit mayroong mga magandang naidulot ay nakaranas din ng online bashing ang aktres mula sa netizens. “At a very young age ang dami na nagsasabing may mali sa akin, ‘Yung kilay ko, ‘yung height ko. Kahit sobrang bata pa ko pinagsasabihan na ko sa weight ko. Nahirapan talaga ako tingnan ‘yung sarili ko sa salamin,” kwento ng dalaga.

Lotlot, ayaw pakialaman ang mga plano ni Janine

Matagal-tagal nang magkasintahan sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz. Ayon sa ina ng aktres na si Lotlot de Leon ay hindi naman siya nababahala kung sakali mang gusto nang magpakasal ni Janine. “Si Janine alam na niya ‘yan, matanda na ‘yan. May plano na ‘yan sa buhay niya. But I’m very happy with how she’s planned her life, kung ano ‘yung susunod na two years for her. She’s old enough to make decisions on her own of course and I trust her. I trust that she will do it at the right time,” nakangiting pahayag ni Lotlot.

Sa ngayon ay masaya lamang umano ang aktres dahil namamayagpag ang career ni Janine. Bilang panganay na anak nina Lotlot at Ramon Christopher ay halos sa showbiz industry na rin lumaki si Janine. “Nakakatuwa at nakaka-proud to see my daughter to talagang grow into this business with so much passion and love. And I just really wish her the best. I know there are many, many more beautiful films that she’s going to make in the future. So I’m looking forward to that,” paglalahad ni Lotlot.

(Reports from JCC)

vuukle comment

ANDREA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with