^

PSN Showbiz

Showbiz chika pantry, may part 2!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Excited na ako sa 2nd Showbiz Chika Community Pantry natin, Salve. Excited na rin sina Gorgy Rula at Jun Nardo.

Ready na ang bigas na ibibigay ni Mama Roulette, ang kaibigan nina Mayor Isko Moreno at MMDA Chair Benhur Abalos. Talagang nag-offer si Mama Roulette ng bigas dahil ito ang madalas niyang itulong sa mga pantry na ginagawa sa Maynila at Mandaluyong.

Excited na rin sina Willie Revillame at Cong. Niña Taduran na talagang kusang-loob na nag-alok ng tulong para nga sa pantry ng showbiz writers na affected talaga ng pandemic.

Tunay ngang bukas ang puso nina Willie at Niña para sa mga kasamahan sa trabaho.

Ang unang mga naging ninong at ninang na sina Bong Revilla, Alfred at PM Vargas, Rhea Tan ng Beautederm, gusto pa ring umulit, pero inihahanda na namin sila para sa malaking happe­ning sa Pasko, kung saan balak namin nila Cristy Fermin ang mas malaki at mas marami pa sanang maisali sa Showbiz Pantry.

Exciting talaga dahil magkikita-kita na naman tayong lahat, Salve. Kaya nga ihandang mabuti ang mga kailangan, para sa konting oras ng ligaya sa mga kapatid sa panulat.

Mayor Toby, laging nakakaalala sa mga kaibigan

Talagang napaka-thoughtful ni Mayor Toby Tiangco ng Navotas.

Lagi niyang naaalala na mag-text ng Happy Birthday at Merry Christmas sa mga kaibigan.

Parang BFF sila ni Dawn Zulueta Lagdameo, at lucky charm siya ni Champ Manny Pacquiao kaya gusto nitong lagi siyang kasama ‘pag may importante na laban.

Isa sa pinakamabait na tao na nakilala ko si Papa Toby, approachable, matulungin, sincere. Kaya naman nakakatuwa siya.

vuukle comment

COMMUNITY PANTRY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with