^

PSN Showbiz

Singer inaatake ng depresyon sa rami ng hormonal meds na iniinom

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hanggang ngayon ay dumadaan pa rin sa matinding depression ang isang maga­ling na female performer. Marami siyang inaalala, walang sagot ang kanyang mga tanong, pero pilit niya namang kinakaya ang paghamong ito sa kanyang buhay.

Pagpapakatotoo ng aming source tungkol sa personalidad, “Kailangang maging diretso tayo, babae siya, pero nagulantang na lang tayo dahil naging lalaki na siya!

“Maraming nagpapalagay na ‘yun ang unang dahilan ng depression na umaatake sa kanya, may mga iniinom kasi siyang gamot, nagkakahalu-halo na ang emosyon niya.

“Marami pa rin kasing hindi nakakatanggap sa pagbabago ng buhay niya, ang naaalala pa rin ng mga kababayan natin, e, ang dating girl na kumakanta,” unang reaksiyon ng aming impormante.

Bahagi rin siguro ng kanyang depresyon ang sobra-sobra niyang pagsasakripisyo nu’ng mga nakaraang taon, world class singer siyang naturingan na malakihan kung kumita pero nawala naman ‘yun na parang bula, wala halos siyang pinakinabangan.

Patuloy ng aming source, “Totoo, hindi naman ganu’n kasimpleng dalhin sa puso niya kung saan napunta ang mga pinagpaguran niya. Kung nahawakan niya ‘yun, ngayong pandemya, e, hindi siya sana aatakihin ng stress at depression.

“Ang dami-dami pa namang nawala sa kanya, hindi siya makatanggap ng kahit anong show dito at sa iba-ibang bansa man. Apektado ang hanapbuhay niya, wala siyang raket, ang hirap-hirap nga namang isipin kung saan siya kukuha ng ikabubuhay niya ngayon,” sabi pa ng aming source.

Mabuti na lang at may karelasyon ang world class singer na napaghuhugutan niya ng lakas ng loob at pagmamahal. Suportado siya ng girl, inuunawa nito ang kanyang pinagdadaanan, kaya kahit paano’y may kahawak-kamay siya sa laban.

Sabi pa rin ng aming source, “Pero mas ma­tindi ang paniniwala ng mas nakararami na may kinalaman sa mga iniinom niyang gamot ang nangyayari sa kanya ngayon. Puro hormonal medicines kasi ‘yun. Hindi simple ang epekto nu’n sa gumagamit.

“Nakakalungkot ang nangyayari sa kanya, mahirap ‘yun, pabagu-bago ang takbo ng isip niya. Mabuti na lang talaga at may partner siyang maunawain at mahal na mahal siya. Haaay, makaraos sana siya sa matinding challenge na ito sa buhay niya,” madiing pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Magiging tita sana ni Jo Koy...Sharon, naudlot sa pelikulang ididirek ni Steven Spielberg

Unang linggo ng Marso nang magkaroon kami nang masinsinang kuwentuhan ni Sharon Cuneta. Umabot nang dalawang oras ang pag-uusap namin.

Meron siyang ipinagkatiwalang impormasyon sa amin na huwag muna naming ilalabas hanggang walang resulta ang isa sa pinakamahalagang pangyayari sa kanyang karera.

Ngayon ay puwede na. Binigyan na kami ng go signal ng Megastar. Puwede na naming ikuwento na Marso nang tawagan ng produksiyon ng matagumpay na Hollywood director-producer na si Steven Spielberg ang kanyang manager.

Isasapelikula ang buhay ng sikat na Fil-Am comedian na sikat na sikat sa YouTube na si Jo Koy. Si Sharon ang napagkasunduan ng produksiyon na kunin para gumanap bilang ina ng komedyante.

Ipinadala na kay Sharon ang script, ang mga requirements, sa Canada gagawin ang shooting. Napakaligaya ni Sharon, isang napakalaking biyaya niyang itinuturing ang maging bahagi ng isang produksiyon ng Hollywood director na si Steven Spielberg, ‘yun ang kukumpleto sa kanyang karera.

Habang tumatakbo ang kanilang transaksiyon ay nagbago ang gagampanan niyang role, siya na ang magiging tiyahin ni Jo Koy, masyado siyang bata para gumanap na ina ng sikat na komedyante.

Mahaba ang itinakbo ng komunikasyon ng magkabilang kampo, ayos na ang lahat-lahat, aalis na lang si Sharon papuntang Amerika at pagkatapos ay lilipad na sila sa Canada para sa shooting.

May naging problema. Isang mahalagang dokumento na importante ngayong pandemya. Pero pinayuhan ng produksiyon si Sharon na lumipad pa rin pa-Amerika, ipinadala pa rin ang mga kailangan niya sa shooting, sa pag-asang makahahabol pa siya sa alok na trabaho sa kanya.

Hindi ‘yun ipinagmakaingay ni Sharon, ayaw niyang lumabas siyang adelantada, gusto niyang ang produksiyon mismo ang magbalita tungkol sa proyekto kapag natuloy na.

May 16 ay nakatanggap kami ng mensahe mula kay Sharon, “Nay, hindi ko po nakuha. Puwede n’yo na pong ikuwento kung ano ang nangyari.”

Tumawag pa sa amin ang Megastar, napakahigpit pala ng mga sinusunod na patakaran sa Amerika at Canada. Ang schedule ay kailangang masunod, walang puwedeng baguhin, kung ano ang araw at oras na nakasaad sa kontrata ay kailangang tuparin.

Lungkot at matinding panghihinayang lang ang naramdaman namin mula kay Sharon habang nagkukuwento, hindi siya umiiyak, lalong wala siyang sinisisi sa hindi niya pagkatuloy sa proyekto ni Steven Spielberg.

“Hindi po siguro para sa akin talaga ang project. Sayang na sayang, pero kapag hindi nakalaan sa iyo ang isang bagay, kailangan mong tanggapin ang katotohanan.

“Sabi ng mga kaibigan ko, siguro raw, e, may nakalaang mas malaki for me. Okey lang, at least, maluwag kong tanggap ang nangyari.

“Pero naman! An offer from Director Steven Spielberg is more than enough. Sa pagpili pa lang ng production nila sa akin, e, sobra-sobra ko nang pinasasalamatan,” pahayag ng Megastar.

Sayang!

vuukle comment

DEPRESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with