^

PSN Showbiz

Pia, paniwala pa rin kay Rabiya

Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Nakakatuwa ang sobrang suporta ni Pia Wurtzbach kay Rabiya Mateo ngayong tapos na ang laban nito sa Miss Universe 2020.

Ipinadama talaga ni Pia kay Rabiya na hindi sila bumibitaw ng suporta sa Ilonggang beauty queen. Kaya sa lahat na interviews niya ay sinasabi niyang may future talaga si Rabiya sa susunod na haharapin niya sa kanyang career.

Sabi nga niya sa YouTube channel nila na Queentuhan kasama sina Carla Lizardo at Bianca Guidotti :“Opportunities are coming her way, and hindi nga ba ang gown niya parang yellow na parang sun, feeling ko as bright as a sun ‘yung future niya. There’s so much waiting for her here,” pakli ni Pia.

Nabanggit din ni Pia sa isang interview na nakausap daw niya si Rabiya pagkatapos ng Miss Universe at ipinarating niyang hindi nabawasan ang suporta nila.

Deserved din daw ni Rabiya ang suporta ng lahat dahil pinaghirapan naman daw niya talaga nang husto ang laban niyang iyon sa Miss Universe 2020.

Natutuwa rin daw siya sa pagiging mapagkumbaba ni Rabiya, kaya minahal ito ng sambayanan.

“She’s very down to earth, she’s very relatable, she’s funny and hindi ako nagda-doubt na…she’s already a big star and I know na mas lalo pa siyang sisikat, “ dagdag na pahayag ni Pia.

Sa talakayan nina Pia sa kanilang YouTube channel ay ipinagtanggol din ng Miss Universe 2015 ang Miss Universe organization na hindi rin tinantanan nang pamba-bash. May mga nagsasabing luto ang desisyon ng judges na karamihan ay mga Latina.

Sabi ni Pia; “Huwag nating i-doubt yung organization. Kasi parang wala nang mano­nood ng Miss Universe kung luto ‘to. ‘Yun talaga ang napili nilang judges, siya talaga ang nanalo, it’s her destiny. Let’s be sport. Let’s shake hands.”

Kaka, bawal sa bata

Nasilip ko ang trailer ng pelikulang Kaka na launching movie ng seksing si Sunshine Guimary na mapapanood na sa May 28 sa Vivamax, KTX.Ph, IWant at iba pang digital streaming app. Parang mas daring ito at malala ang hubaran kung ikukumpara sa ibang nagawa ng Viva na may pagka-sexy din.

Kaya ang sabi ni Sunshine, sana hindi raw ito mapanood ng mga bata dahil hindi raw talaga pambata. GORGY RULA)

vuukle comment

PIA WURTZBACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with