^

PSN Showbiz

Mag-amang Carla at Rey PJ, bibida sa MPK

Pilipino Star Ngayon
Mag-amang Carla at Rey PJ, bibida sa MPK

Ngayong Sabado (May 22), tunghayan si Carla Abellana sa nakakaintriga ngunit tunay na kuwento ng isang ginang na ibinenta ang kanyang mister sa Magpa­kailanman.

Dahil maagang nagpakasal, itinakwil sina Precy (Carla) at Anthony (Rafael Rosell) ng kanilang pamilya. Kahit na dumanas ng hirap, naitaguyod nila nang maa­yos ang kanilang pamilya. Nang makilala ng mag-asawa si Rochelle (Katrina Halili) ay naging maginhawa ang kanilang buhay.

Naging malapit ang loob ni Anthony kay Rochelle hanggang sa natuklasan ni Precy na may relasyon na pala ang dalawa. Humingi naman ng tawad si Anthony kay Precy at nangakong magbabago na.

Subalit, nagkasakit nang malubha ang ama ni Precy na si Ador (Rey “PJ” Abellana) at nangailangan ang pamilya ng malaking pera.

Dahil sa sobrang kagipitan at wala nang iba pang matakbuhan, lumapit na si Precy kay Rochelle para mangutang. Pero paano kung ang hinihinging kapalit kay Precy ni Rochelle ay ang bilhin si Anthony?

Sa ilalim ng direksyon ni LA Madridejos, abangan ang natatanging pagganap ni Carla sa Magpakailanman episode na pinamagatang Husband For Sale, ngayong Sabado, 8 p.m., sa GMA.

Klarisse, waging Aretha Franklin sa YFSF!

Muling pinabilib ni Klarisse de Guzman ang jury at kapwa celebrity perfor­mers sa kanyang paglabas bilang Aretha Franklin para manalo sa ika-apat na pagkakataon sa Your Face Sounds Familiar Season 3.

Maski nanalo na noon bilang Jaya, Minnie Riperton, at Sharon Cuneta, nakadama pa rin ng pressure si Klarisse sa kanyang paggaya kay Aretha sa hit celebrity musical variety competition, na napapanood sa Kapamilya Channel at A2Z.

“Sobrang challenging kasi ‘yung idols ko idol talaga si Ms. Aretha Franklin. Sobrang icon, and nakaka-pressure pinapanood ko pa lang mga videos niya,” kuwento niya matapos ang performance na nakakuha ng 24 puntos, ang pinakamataas na iskor para sa linggo.

“Klarisse pagnagpe-perform ka, you just take us to another place and it’s a place of excitement,” sabi ng juror na si Ogie Alcasid, na tinawag pa si Klarisse na isang “superstar.”

Si Gary Valenciano naman, nilarawan ang performance niya na outstan­ding, fabulous, at isang blessing. Bilin naman ni Sharon kay Klarisse, “What you have is a gift from God that is not given to everybody, not even us actually. I hope you use that for the good and for the glory of God because we are big fans of yours over here.”

Bukod kay Klarisse, nakakuha rin ng mataas na puntos ang iDolls, na gumanap bilang Ben & Ben at Moira dela Torre (21 points) habang si CJ Navato (19 points), na umawit bilang John Legend, ay nakakuha naman ng pinakamataas na puntos mula kina Sharon at Ogie.

Sa darating na weekend magaganap ang huling weekly competition bago sumabak sa Grand Showdown ang pitong celebrity performers, na tutulungan ng celebrity mentors na sina Jed Madela and Nyoy Volante.

vuukle comment

CARLA ABELLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with