^

PSN Showbiz

Showbiz couple na tahimik pera ang naging problema!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hanggang ngayon ay nananatiling tahimik ang isang showbiz couple na kahihiwalay lang. Nagpaparamdam na ang female persona­lity tungkol sa nangyari sa kanilang relasyon ng isang male perso­nality pero hanggang du’n lang ‘yun.

Wala pang sinuman sa kanila na nagpapahayag ng mga dahilan kung bakit ang isang relasyong katulad ng sa kanila na hinangaan ng nakararami ay nauwi rin sa pagkakani-kanyang landas.

Maging ang ina ng female personality ay walang sinasabi, tahimik lang ito, pero mas tahimik ang kampo ng aktor sa kuwento.

Isang reliable source ang nagsabi, “Hindi naman kasi love lang ang importante sa isang relasyon. Maraming factors ‘yun na nagpapatatag sa relasyon nila.

“Kalokohan nga ‘yung sinasabi sa isang sikat na kanta na love will keep us alive, e. Kapag wala nang pera, kapag talagang nagugutom na sila, love flies out of the window, di ba?” unang kuwento ng impormante.

Maagang pumasok sa buhay may-asawa ang showbiz couple na ito. Matindi ang kanilang pagmamahalan, pinanindigan nila ‘yun, nagkaroon sila ng dalawang anak.

Patuloy ng aming source, “Walang question sa pagmamahalan nila, one-woman man ang male personality, walang third wheel sa relasyon nila. Kung ang malalapit sa kanila ang tatanungin, e, walang naniniwalang nagkaroon ng ibang girl ang guy.

“Lalo naman ang girl, wala siyang ibang nakarelasyon, nakapako lang ang love niya sa ama ng mga anak niya. Pero ‘yun nga, may mga nagsasabi na ang naging problema nila, e, economy.

“Bakit, gobyerno lang ba ang namomroblema sa ekonomiya? Tayo rin, di ba? E, hindi pa naman ganu’n ka-stable ang kinikita ng guy, suwertihan lang ang pagtatrabaho niya, kaya natural, nakaapekto ‘yun sa relasyon nila!

“Hindi dahil sa mukhang pera ang girl, nakatagal nga siya nang maraming taon sa buhay na hindi naman fabulous, kung ano lang ang kaya ng husband niya, okey na sa kanya ‘yun!

“Pero may mga bagay-bagay siyempre na naaapektuhan sa kakapusan nila. Lumalaki na ang mga anak nila, marami nang pangangailangan, kaya concerned sila du’n.

“Haaay, sayang na relasyon, mababait pa naman ang mga taong ‘yun, walang alingasngas ang relasyon nila, kaya nabigla na lang tayo dahil hiwalay na pala sila!

“Nakapanghihinayang sila, magkaroon sana ng himala para maayos pa ang problema nila. Sana win-win solution ang mahanap nila,” malungkot na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Joshua, may puhunan sa career

Para sa mga manunulat na tulad namin na humanga na agad sa kapanganganak pa lang na karera ni Joshua Garcia ay masakit makabasa ng mga panglalait sa kanyang pagganap.

Marami kaming magkakaibigang pumalakpak agad-agad sa bitbit na talento ng young actor. Pati ang mga kababayan nating sawang-sawa na sa mga guwapong mukha na salat naman sa talento ay naging tagasuporta ng Batangueno.

Dahil sa husay umarte ni Joshua na may mga matang tumatawid sa manonood kahit walang dialogue ay ikinumpara siya sa kanyang idolong si John Lloyd Cruz.

Totoong pareho silang magaling, pero si Lloydie ay pinanday na ng panahon, hindi tulad ni Joshua na napakasariwa pa ng talentong ihinahain sa publiko.

Kahit naman si JLC nu’n ay ihinahalintulad sa namayapang beteranong aktor na si Dindo Fernando. Magkapareho ang kanilang atake sa pag-arte.

May mga umuupak ngayon kay Joshua Garcia, ang kanyang pagganap daw ay kopya lang kay JLC, second rate copycat lang daw siya nito. Mali. Walang magkaparehong pagganap. Maaaring hawig pero hindi literal na kopya lang.

Huwag naman sanang nakawan ng talento si Joshua. Napakaraming artistang baguhan lang na walang ka-acting-acting pero natutulungan ng workshop, pero si Joshua ay hindi na dumaan sa ganu’n, malalim ang kanyang hugot sa pagganap na mas pinalalim pa ng mga nakaraan niyang karanasan sa buhay bilang isang anak-mahirap.

Sa seryeng The Good Son ay napakaraming eksenang nagpaluha sa publiko si Joshua. Napakasimpleng dayalog lang, payak na titig sa kanyang kaeksena, gripo na ang pagtulo ng kanyang luha.

Sa aming libro ay isa si Joshua Garcia sa iilang produkto ng pelikula at telebisyon na may puhunan nang mag-artista. Alam niya ang mundong pinasok niya.

Hindi man siya kaguwapuhan ay yakap-yakap niya ang isang regalo mula sa kapalaran na walang pagkupas, nasa kanya ang talento sa pagganap na magtatawid pa sa kanya nang malayung-malayo, huwag lang siyang magpapabaya.

vuukle comment

COUPLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with