^

PSN Showbiz

Rabiya, pilit noon gustong pumuti!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Kapag nagbukas ka sa TikTok, doon ka makakakuha ng updates sa Miss Universe 2020 na ginaganap sa Hollywood, Florida.

Ang dami nating bloggers sa Pageantry world na talagang tumututok sa laban ng kandidata nating si Rabiya Mateo. Kaya mula sa pagdating niya sa venue hanggang sa ngayong nasa preliminaries na siya ay updated silang lahat.

Isa sa naipost ay ang interview kay Rabiya sa Telemundo.

Ang linaw ng mga sagot niya at talagang tinutumbok ang gusto niyang iparating na mensahe.

Isa rin sa ikinatuwa namin kay Rabiya sa interbyung iyon ay ang ipinagmamalaki niya sa kanyang pagka-morena na tunay na kulay ng Filipina. Aniya; “I have to be honest, in the Philippines my skin color used to be not a standard of beauty. I was obsessed whitening my skin because these are the kinds of beauty queen they see on the mainstream. But things were different now, that’s why I am proud to be a morena.

“In the Philippines, we call it morena, it’s brown-skinned girl, and to be able to represent you know my color, my identity as a true Filipina.”

Sinabi pa niyang hindi rin ganun kadali ang pinagdaanan niya nang lumaban siya sa Miss Universe-Philippines. Lalo noong nanalo siya ay naging kontrobersyal pa raw at kung anu-anong isyu ang inabot at mga komentong natanggap niya.

Ang latest pang nasagap namin ay nangunguna raw si Rabiya sa closed door interview ng judges.

Kaya naman talaga niyang makipagtalbugan sa question and answer portion, pero marami ring magagaling sumagot kaya matindi talaga ang labanan. Pero sabi nga ni Miss Universe 2019 Lu Sierra, hindi naman daw fashion show ang Miss Universe, kundi kung paano mo i-express ang sarili mo sa stage.

Samantala, women empowerment pa rin ang talaga sa Miss Universe kaya pawang mga babae raw ang kinuhang judges.

Dalawang dating Miss Universe ang uupo na sina Miss Universe 1997 Brook Lee at Miss Universe 2006 Zuleyka Rivera.

Sana makuha talaga ni Rabiya ang korona dahil talagang ang taas ng expectations sa kanya ng karamihan sa ating mga kababayan.

Sanya inaabangan kay Bong

Mga reyna naman sa biritan ang aariba sa All-Out Sundays bukas.

Sa The Queendom segment nila ay bibirit ng mga hit songs ng 70s OPM bands sina Julie Anne San Jose, Aicelle Santos, Golden Canedo, Jessica Villarubin, Thea Astley, Jennie Gabriel at Ms. Lani Misalucha.

Pero ang isa pang kaabang-abang ay ang showdown nina Golden at Jessica.

Si Alden Richards naman ay may ibabahaging love story ng loyal Kapuso viewer sa All For Love segment na kakantahan nina Lani Misalucha at Mark Bautista.

Sa musical-comedy segment naman na Love Doctors ay tuluy-tuloy pa rin ang pagpapatawa nina Paolo Contis, Rhian Ramos, Denise Barbacena, Kristoffer Martin, Betong Sumaya, Jennie Gabriel  at Tuesday Vargas.

Mamayang gabi naman sa Agimat ng Agila ni Sen. Bong Revilla ay inaabangan na ng fans ni Sanya Lopez kung lalabas na siya sa episode mamayang gabi.

Bitin na bitin pa rin daw kasi sila. Kaya sana pati raw sa Linggo ay mapapanood pa rin ang action-fantasy drama series na Agimat ng Agila.

 

vuukle comment

RABIYA MATEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with