Hiniram na diamonds muntik nang mawala, Rabiya nahulog sa pool
Grabe, dahil yata sa sobrang pag-project, nahulog sa pool si Miss Universe Philippines Rabiya Mateo habang nagpi-pictorial kasama ang iba pang kandidata.
Pero hindi lang ‘yun ang nangyari, muntik na raw mawala ang diamonds niya, chika niya sa IG story ng Miss Universe sa Instagram. “I almost lost my diamonds.”
Pero sa IG ay sinabi ni Rabiya na “ I just wanna let you know that the diamonds are safe. You have nothing to worry about me,” paniniguro nito habang pinapakita ang malaking diamond earrings na pinahiram ng isang jewelry store na ine-endorse rin ni Ivana Alawi.
- Latest