^

PSN Showbiz

Bidaman, natanggal ang depression sa paggawa ng malalaswang video na binebenta

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Bidaman, natanggal ang depression sa paggawa ng malalaswang video na binebenta
Jervy

Kapit sa patalim na ang ibang kalalakihan para kumita ngayong pandemya. Napapag-usapan na nga noon pa ang ibang mga baguhang aktor, ang iba ay miyembro ng all-male group na nagpapalibre ng grocery o ipalad ang cash ayuda sa GCash sa mga kaibigang bading. Bahala na ang kapalit.

Ngayon ay iba na! Nabebenta na ang ‘vidjakol’ sa social media, at hindi lang basta-basta kundi malaki ang kinikita nila. Kagaya nitong miyembro ng grupong Bidaman ng It’s Showtime na si Jervy de los Reyes, halos dalawang linggo lang mahigit kalahating milyon na ang kinita sa kanyang video na malaswa.

Hindi ito itinatago ni Jervy kundi open siyang pag-usapan ito. Nagpa-interview na nga siya sa YouTube channel ni Ogie Diaz at inamin niyang pinagkakakitaan na niya ito. Humiwalay na siya sa mother niya dahil lagi na lang daw siyang umaasa sa nanay niya. Nakarating na nga raw ito sa kanyang ina, at napagalitan pa raw siya. Pero hindi na ito pinapansin ni Jervy dahil ang laki ng kinikita niya.

Sa gustong maging member ng Premium account ng kanyang Twitter, may monthly fee ito na P1,500.

Mahigit dalawang linggo pa lang si Jervy ay mahigit 300 na ang members niya. Kaya halos kalahating milyon na ito. Walang share diyan ang Twitter, kundi meron lang daw 20 percent ang administrator niya. Kaya wala pang isang buwan ay may P360K na kinita si Jervy. Pinaghandaan na nilang kakalat ito at makakarating kung saan. Pero ang laki naman ng kinita niya.

Sa interview sa kanya ni Ogie, sinabi niyang may pinagdadaanan siyang depression at dito raw niya ito nahaharap. “Isa po siya sa naging way para mas mahanap ko po ‘yung sarili ko. Kasi dati po sobrang natatakot po ako sa judgment. Natatakot po ako sa sasabihin ng ibang tao. Natatakot po ako sa sarili ko. Parang sobrang dami kong weakness na ngayon, ang weakness na ‘yun nagagamit ko na as strength,” pakli niya.

Dahil dito, lalong dumami ang mga basher niya at kung anu-anong sinasabi sa kanya pero ngayon ay kaya na raw niya itong harapin. “Naku-control ko po ang emotions ko na hindi dapat magpaapekto kasi naku-control mo na yung sarili mo,” sabi pa ni Jervy.

Kaya ngayon ay patuloy niya itong ginagawa. Every week ay may bagong content daw siyang ina-upload na napapanood ng mga member ng kanyang premium account.

Baka pagkatapos daw ng isang buwan ay ititigil na rin daw niya dahil kontra ang pamilya niya sa ginagawa niyang ito. Nakuha ni Jervy ang ideyang ito sa kaibigan niyang isang TikTok influencer na si Lloyd Agustin na mas malaki pa ang kinikita.

Maja, wala pang sikat na alaga!

In-announce na noong nakaraang Sabado ng Crown Artist Management ni Maja Salvador ang first batch ng mga talent na ima-manage nila.

Hindi pa sila gaanong kilala, pero ang iba ay malakas na sa netizens dahil mga social media influencer na sila.

Meron silang Lifestyle Host, The New Salvador, Fashion Tycoon, Modern Mom, Hunk Singer, New Age Photographer, Hip Director, at Island Boy in the City.

Ang nasa first batch na talents na hawak ng Crown Artist Management ay sina Guel Espina, Gino Santos, Andrei Suleik, Jarlo Base, Yanne Alvarez, Patty Ang, Jessie Salvador at Lauren Reid.

Karamihan sa kanila ay kilala sa social media kaya doon sila mas kikita, dahil mahirap din naman ngayon makaraket sa TV, sa pelikula at mangilan-ngilan siguro sa commercials.

Unang batch pa lang daw ito sabi ng boyfriend ni Maja na si Rambo Nuñez na bahagi rin ng board of directors.

May susunod pa silang batch na ia-announce.

Baka nga rito na ang mga kilalang artista, at kasali na nga kaya si John Lloyd Cruz?

Iyon ang aabangan natin.

 

vuukle comment

JERVY DE LOS REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with