^

PSN Showbiz

Jake malalim ang hugot sa fix me! Aiai at snooky, magkaibang klaseng ina

Pilipino Star Ngayon

Malalim ang hugot ni Jake Zyrus sa bago niyang love song na Fix Me, kung saan pakiramdam niya ay hindi siya sapat para sa mahal niya.

Maririnig sa kanta ang tono ng boses ni Jake at hatid nito ang kwento ng isang tao na nahihirapang tumanggap ng pag-ibig. Sa kabila ng depresyon at kawalan ng tiwala sa sarili, ipinapaa­lala nito na lahat ng tao ay deserving sa pag-ibig.

Isinulat at kinompose ng Grammy-winning composer na si Kenneth Mackey, Swedish singer-songwriter na si Andreas Moss, at American record producer na si Joshua Bronleewe ang Fix Me.

Ipinrodyus naman ito ng Fil-Am music director na si Troy Laureta na kamakailan lang ay nakatrabaho ni Jake para sa kantang Usahay sa KAIBIGAN: A Troy Laureta OPM Collective Vol. 1.

Ito na ang pinakabagong kanta mula sa ABS-CBN Music International na may layuning ibida ang natatanging talento ng mga Pinoy sa musika sa buong mundo.

Noong nakaraang taon, ini-release din ni Jake ang isa pang makahulugang awitin na Love Even If na layuning ipalaganap ang kahalagahan ng pagmamahal sa mundo. Sinundan ito ng jazz-pop single niyang Miss You in the Moonlight.

Ngayong Sabado sa Magpakailanman, gagam­panan nina Ms. AiAi Delas Alas at Ms. Snooky Serna ang dalawang uri ng ina na susu­bukin ng isang rebeldeng anak.

Dahil hindi kaya ni Mercy na alagaan ang mga anak ay ipinaampon niya sa kanyang hipag na si Lourdes ang isa sa mga ito, si Shirlyn. Matagal nang naghahangad na magkaroon ng anak na babae si Lourdes kaya’t ibinigay niya ang lahat ng pangangailangan at kagustuhan ni Shirlyn.

Kapitbahay lang ni Mercy sina Lourdes kaya hindi din nalayo si Shirlyn sa tunay na ina. Pero buong pagkabata ni Shirlyn ay inilihim sa kanya nina Lourdes at Mercy ang pagiging ampon.

Naging mahirap para kay Shirlyn na tanggapin ang katotohanan. Nagbago ang ugali nito. Natuto itong magbisyo, bumarkada at maglayas. Hindi na rin ito nakatapos ng pag-aaral. Inintindi siya ni Lourdes pero naging istrikto naman si Mercy.

Lalong naging mahirap ang sitwasyon para kina Mercy at Lourdes nang umibig na si Shirlyn. Nalaman nilang buntis ito at hindi na nila napigilang makisama sa nobyo nitong si Randy. At dahil bata pa ay hindi agad nila naipakasal ang mga ito. Hindi naging maganda ang pagsasama nina Shirlyn at Randy.

Kahit nagkaroon na sila ng anak, hindi nagbago si Randy. Naging lasenggo ito at mas tumindi ang pagiging seloso. Ang naging takbuhan ni Shirlyn, ang kanya pa ring dalawang ina, na kahit magkaiba ng prinsipyo. Madalas umuwi si Shirlyn kay Mercy at Lourdes na puro pasa dahil sa pambubugbog ni Randy. Sa kabila ng mga payo ng dalawang ina, sumuko si Shirlyn at tinuldukan ang sariling buhay.

Makakasama rin nila sa episode sina Jhoanna Marie Tan, Emilio Garcia, Allan Paule, Jak Roberto, Jim Pebanco at Bryan Benedict.

Ang Anak, Saan Kami Nagkamali? ay sa ilalim ng premyadong direksyon ni Joel C. Lamangan.

vuukle comment

JAKE ZYRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with