^

PSN Showbiz

Ricky Lo pumanaw sa edad na 75

Philstar.com
Ricky Lo pumanaw sa edad na 75
Litrato ng beteranong showbiz journalist habang nasa Tokyo, Japan noong 2017
Mula sa Instagram account ni Ricky Lo

MANILA, Philippines — Binawian na ng buhay ang isa sa mga haligi ng entertainment news sa Pilipinas matapos magsilbi sa industriya sa loob ng mahigit limang dekada.

Ika-4 ng Mayo, gabi, nang tuluyang mamaalam si Ricky Lo na siyang Associate Editor at Entertainment Editor ng The Philippine Star ng 35 taon. Siya'y 75-anyos.

Hindi naman nagbigay ng detalye ang kanyang kapatid na si Susan Lee pagdating sa kinasapitan ni Ricky bilang pagrespeto na rin sa kanilang pagluluksa.

"Mapagbigay at mabait" kung ituring siya ng mga kasamahan sa industriya na kanyang iniwan.

Ngayong Abril lang nang ibahagi niyang nabakunahan pa siya laban sa coronavirus disease (COVID-19) bilang isang priority na senior citizen.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ricky Lo (@therealrickylo)

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ricky Lo (@therealrickylo)

 

Kilala rin sa tawag na Ricardo Lo, ipinanganak siya sa pamilyang Tsinoy sa Las Navas, Northern Samar noong ika-21 ng Abril, 1946. Nagtapos siya ng Univerisity of the East sa kursong Barchelor of Arts in English.

Bago magtrabaho sa The STAR, naging staff writer muna siya sa Philippine Daily Express, hanggang sa maging deskman sa The Evening Express. Nauwi naman siya sa pagiging editorial assistant para sa Weekend hanggang 1986.

Nagpalipat-lipat din siya bilang entertainment editor ng The Manila Times at The Manila Chronicle hanggang sa mauwi sa The STAR. Nakilala siya sa kanyang mga kolum na "FunFare" at "Conversations with Ricky Lo" sa huli.

Dati na rin siyang naging isa sa mga hosts ng palatuntunang "The Buzz" sa ABS-CBN noong 1999 hanggang lumipat sa "Startalk" ng karibal na GMA mula 2008 hanggang 2015. Nagkaroon din siya ng sariling programang pinamagatang "The Ricky Lo Exclusives" at "Showbiz Stripped" sa dating QTV 11. — James Relativo at may mga ulat mula kay Jan Milo Severo

vuukle comment

RICKY LO

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with