^

PSN Showbiz

Song Joong-Ki pinupuri sa Vincenzo

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Song Joong-Ki pinupuri sa Vincenzo
Song Joong-Ki at Jeon Yeo-Been

May hangover pa sa ending ng Korean action drama Vincenzo ang mga nanood nito.

Last weekend napanood ang last two episodes nito starring Song Joong-ki.

Well, for one hindi lang basta drama ang Vincenzo.

Ginampanan ni Joong-ki ang isang orphan na inampon ng Mafia family sa Italy. Nang lumaki siya ay naging lawyer ng pamilya at consigliere.

Pero nang namatay ang Italian father ni Vincenzo sa kanilang mansion sa Italy nagkaroon ng kaguluhan sa leadership ng pamilya at doon na bumalik ng Korea si Vincenzo Cassano (Joong-ki).

Naging tatak niya sa palabas ang lighter na pini-flick o pinaglalaruan niya sa tuwing may importanteng desisyon na kailangan niyang gawin.

Pagdating niya ng Korea, agad siyang napansin dahil sa hitsura, sa suot na luxury suit na hindi alam ng ibang Koreans ang brand, mamahaling relos at kotse. Bumalik siya ng Korea para sa mga nakatagong ginto at files sa isang bulding.

Doon na nag-umpisa ang lahat ng pagprotekta niya sa mga tenant sa Geumga Plaza kasama na ang law firm ng isang tapat at kilalang labor lawyer na pinatay naman ng kalaban nilang kumpanya na Babel Corporation na maraming questionable bussiness operations.

May anak na abogado rin ang lawyer na pinatay pero may conflict sila dahil nga nagta-trabaho ito (anak) sa Wusang law firm na nagtatanggol naman sa Babel pero naging kakampi ni Cassano sa pagtatanggol sa Geumga Plaza na pilit na kinukuha ng Babel na maraming mga lawyer na corrupt dahil sa ginto.

Anyway, iba ito kesa sa Descendants of the Sun na nagpasikat din nang husto kay Joong-ki.

Pero ang isa mong mapapansin talaga, ang husay ni Joong-ki na ka-partner ang K actress na si Jeon Yeo-been na kahit pumapatay ang character, parang kinikilig pa rin ang mga nanonood.

 

 

vuukle comment

SONG JOONG-KI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with