Rufa Mae pasabog ang pictorial sa Hollywood
‘Di ma-explain sa asawang pulis...
Sosyal, may pasabog si Rufa Mae Quinto. Hollywood na raw ang level niya matapos mag-pictorial para sa isang showbiz magazine sa San Francisco.
“Pasabog for the week ! I had the pleasure of shooting with one of San Francisco’s Top Photographers @vinniegotti for an upcoming magazine cover in Showbiz Hollywood @showbizmagazine. It will be release May 11th. All oscars celebrities kasabay ko na. Walang impossible. Abangan ninyong lahat at Todo Con Todo na To! Go Go Go !!!! Follow @vinniegotti for more happiness and loveliness . Di ko Ma explain sa asawa ko na nasa Hollywood cover magazine na ako, Kasi di ako makapaniwala into in Hollywood magazine with the best of the best . Natawa ako habang sinasabi ko sa asawa ko na hollywood nga ito. Salamat sa Lahat na miss ko mag pose ng ganito ... So proud to be a Filipino! Hinde na ito joke,” post ni Rufa Mae sa Instagram account.
More than a year na si Rufa Mae sa Amerika matapos silang ma-lockdown doon kasama ang asawa niyang pulis at isa nilang anak.
Pero last Saturday ay napanood siya sa Eat Bulaga at in all fairness, may aliw pa rin ang mga hirit niya.
- Latest