^

PSN Showbiz

Cherry Pie, suportado ang anak na tennis player sa pagso-showbiz

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Cherry Pie, suportado ang anak na tennis player sa pagso-showbiz
Cherry Pie at Nio
STAR/ file

Magpu-full blast na rin sa showbiz ang tennis player na anak ni Cherry Pie Picache, si Nio Tria, na kasama sa inilunsad sa Gold Squad Plus last week.

Actually, may konting gulat factor din si Nio na magiging part siya ng mundo ng mom niya. “Siyempre nung una kong nalaman na magiging part ako ng Squad Plus nagulat ako kasi never ko inakala na magiging part ako sa mundo ng mom ko at saka magiging Kapamilya ako. Pero nag-usap kami tapos tinanong niya ako kung sigurado ako na gusto ko pumasok dito and sinabi ko naman na desidido ako to do my best dito sa Squad Plus and pagiging Star Magic artist,” sabi ni Nio sa media launching last week.

Ano ang support na binibigay ng mom niya ngayon?

“Ever since naman sobrang supportive ‘yung mom ko sa tennis career and sa acting career. She’s very supportive and hands on as a mom kahit busy siya sa trabaho. Very grateful ako and very blessed na ganun ‘yung mom ko, na siya ‘yung mom.

“Sobrang matulungin siya sa career ko ngayon sa pagiging artista. She makes sure na maayos ‘yung mga lighting, ganun. Very blessed lang ako and I’m just happy na supportive yung mom ko,” banggit pa ni Nio na naging priority before ang tennis though aminado siyang noon pa talagang gusto na niya ang showbiz.

Kaya ngayong nagkaroon siya ng chance na mag-showbiz, pinaghuhusayan daw niya para makita ang talent niya especially sa singing kasama na ang pagigitara.

Aminado naman siyang marami rin siyang natutunan sa tennis, lalo na ‘yung discipline and perseverance.

Kabilang si Nio sa Gold Squad+ Showbiz Royalties with Jimuel Pacquiao (son of Manny Pacquiao), Analain Salvador and Ashton Salvador (cousins of Daniel Padilla) and Alyanna Angeles (niece of Angel Locsin) na pinakilala sa press last week

vuukle comment

CHERRY PIE PICACHE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with