^

PSN Showbiz

Ryan, tuloy ang pagsuporta sa inang nasa Korea

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Bilang nag-iisang anak ay patuloy na sinusuportahan ni Ryan Bang ang inang naka­base sa Korea. Ayon sa aktor ay madalas siyang tinatawagan ng ina lalo na kapag nalulungkot ito. “Kaya lang tumatawag sa akin, ‘Anak, nade-depress ako. Mag-isa lang ako dito, nalulungkot ako. Parang wala na akong pang-ulam.’ Ibig sabihin, alam na. Alam na ng mga anak. Kailangan ng gamot ng nanay. Ang gamot ng nanay ko ay deposit,” natatawang kuwento ni Ryan.

Naiintindihan din umano ang aktor ng kanyang ina dahil sa sitwasyon ngayon sa Pilipinas. Talagang apektado ang trabaho at kinikita ni Ryan dahil sa pagkakaroon ng pandemya. Para sa binata ay importanteng nakapagbibigay siya ng pinansyal na tulong sa ina kahit na kaunting halaga lamang ito. “Hindi na mahalaga ‘yung amount, alam din naman ng nanay ko sa Korea na siyempre, lahat naman tayo may pinagdaraanan,” dagdag ng binata.

Matagal nang hiwalay ang mga magulang ni Ryan kaya mag-isa na lamang ding naninirahan sa Korea ang ina. Ayon sa aktor ay minsan nang nagkaroon ng kasintahan ang ina na halos hindi niya matanggap. “’Yung tunay na mommy ko sa Korea, single din siya, single mom. No’ng meron na siyang boyfriend, nahirapan ako magtanggap. Pero at the end of the day, naiintindihan ko siya. Kasi babae pa rin ‘yung nanay ko. Kailangan pa rin niya ng lambing, hindi lang anak, ‘yung lambing ng pag-ibig kasi babae pa rin ‘yung puso niya,” pagbabahagi ng aktor.

Belle, muntik nang mawalanng pag-asa

Masayang-masaya si Belle Mariano dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay makapagbibida na sa isang serye. Katambal ng aktres si Donny Pangilinan sa He’s Into Her na mapapanood na sa Kapamilya Channel simula sa May 30. “Ngayon lang siya nagsi-sink in sa akin. Nararamdaman ko na, paparating na ‘yung He’s Into Her, parating na tayo. First lead role ko and I’m surrounded by such an amazing people,” nakangiting bungad ni Belle.

Halos isang dekada na ang nakararaan nang magsimula bilang child actress si Belle sa Goin’ Bulilit. Mula noon ay marami ng proyektong nagawa ang dalaga pero ngayon lamang talaga naging bida.

Matagal nang pinapangarap ni Belle na maging bida sa isang proyekto kaya talagang halos hindi makapaniwala na natupad na ito ngayon. “Good things take time. Naalala ko sinabi ko rin ito sa sarili ko ‘yung time na maaabot ko rin ‘yung gusto ko. Mas tumatak sa akin na importante ‘yung patience sa industry na ‘to noong dumaan ako ng awkward stage. Dumating din ‘yung stage na hindi na ako hopeful. But then feeling ko ang nag-push talaga sa ‘kin ay ‘yung passion ko for what I do. Importante talaga ang patience,” paglalahad ni ng aktres. (Reports from JCC)

vuukle comment

KOREA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with