^

PSN Showbiz

Coco, tuloy sa na Senado?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Coco, tuloy sa na Senado?!
Coco
STAR/ File

Kung gusto ni Coco Martin na tumakbo sa election sa kahit ano pang posisyon, karapatan niya ‘yun. ‘Yung sinasabi na pinipilit siya ni Lito Lapid, kung totoo, bakit hindi niya subukan.

Si Lito Lapid ang puwede niyang ga­wing malaking example para magkaroon siya ng lakas ng loob. Mula sa pagiging stuntman, extra, action star, ngayon isa nang senador. Kung nagawa ni Lito, bakit hindi magagawa ni Coco? Kung ano man ang dahilan ng mga tao na iboto si Lito, iyon din ang puwedeng maging reason para manalo si Coco.

Sa tagal ng FPJ’s Ang Probinsiyano sa ere, nagkaroon nga ng dalawang Partylist na parehong nanalo sa election, iyon mismo pang si Coco ang hindi mananalo. Sureball na sa rami ng mga nanood ng Probinsiyano, sa naging tatak nito sa utak ng manonood, tiyak na matatandaan nila ang pangalang Coco Martin sa balota.

In fairness, kahit sa mga kasamahan niyang artista mabango ang pangalan ni Coco. Marami siyang naging kaibigan kaya siguro marami rin ang nagbibigay ng lakas loob sa kanya. So kung gusto niyang tumakbo, go go Coco Martin. Karapatan mo iyon.

Alice, excited sa bagong kabanata ng buhay

Dala na raw ni Alice Dixson sa kanyang pag-uwi ang kanyang baby mula sa surrogate method. Mukhang excited sobra si Alice Dixson sa bagong kabanata ng buhay niya, ang maging mother sa isang baby.

Ang sarap din siguro ng ganitong experience, ‘yung after so many years of waiting heto at magkakaroon na ng isang baby sa buhay ni Alice at ng kanyang asawa na foreigner.

Bongga ang baby na meron ding foreign blood dahil sa surrogate mother, meron ding foreign blood si Alice. Ganda rin siguro ng baby tulad ni Scarlet Belo na very intelligent. Mukhang the next generation ay maganda ang magiging mga dalaga dahil tingnan mo, Scarlet, Zia Dantes, Talitha Sotto, Dahlia Heussaff, Tili Bolzico, at ngayon heto pa, ang anak ni Alice. Bongga ang mga liligawan ni Ziggy Dantes at ng anak nina Billy Crawford at Coleen Garcia na si Amari, at iba pang boys na anak din ng celebrities.

Wow, ang ganda na naman ng next superstars natin, dahil sure ako, marami sa kanila ang bagsak din sa showbiz. May showbiz pa rin naman hanggang lumaki sila ‘di bah! Dahil ang showbiz kahit ano pang pandemic, sure ako magsu-survive.

vuukle comment

COCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with