^

PSN Showbiz

Alice, naiuwi na ang anak mula Amerika

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Alice, naiuwi na ang anak mula Amerika
Alice at Baby A.
STAR/ File

Naiuwi na ni Alice Dixson ang kanyang baby.

Nasa quarantine hotel na sila na pinili niya raw para malapit sa doctor ni Baby A.

Yup, hindi pa rin niya binabanggit kung ano ngang name ng baby nila nang hindi pa rin niya mini-mention na partner na isang hotelier, pero alam mong tisay ang baby dahil sa kulay ng buhok.

At lalong hindi pa rin niya pinapakita ang face ng baby.

Straight flight silang mag-ina from JFK airport to Manila.

Pero bago siya umalis ng Amerika ay nag-upload si Alice ng video at ­inamin niya roon na natatakot at kabado siya sa nasabing biyahe lalo na nga at mas maluwag ang protocol sa bansa natin kesa sa Amerika.

Eh paano na lang daw kung ang katabi niya ay may covid.

Pinakita naman agad ni Alice ang room nila sa isang 4 star hotel kung saan sila nagka-quarantine pero ang comment ng mga nakapanood, sana raw ay naligo muna si Alice bago nag-ikot sa room dahil baka nga may nasagap silang virus sa airplane.

Anyway, maraming nag-congratulate agad sa actress.

vuukle comment

ALICE DIXSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with