^

PSN Showbiz

Bong, aminadong matagal nang gustong bumalik sa first love

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Bong, aminadong matagal nang gustong bumalik sa first love
Bong
STAR/ File

Malaki ang pasasalamat ni Ramon “Bong” Revilla, Jr. sa pagkakataong magbalik-telebisyon at gumanap bilang si Major Gabriel Labrador sa action-packed fantasy drama series na Agimat ng Agila na nag-umpisa nang mapanood kagabi.

Masaya raw ang aktor sa tiwala na ibinigay sa kanya para muling bumida sa isang serye, “I’m very happy to be back on television, dito sa aking first love. ‘Yung passion ko nandito, aside from public service.”

Dagdag niya : “Malaki ang pasasalamat ko sa GMA sa tiwala na ibinigay sa akin. Despite sa challenges na nangyari sa buhay ko, nandyan sila at hindi nila ako pinabayaan.”

Kuwento pa ni Bong ay marami siyang gustong katangian ng karakter niya na si Major Gabriel, “Bilang isang forest ranger, ‘yung pagmamahal niya sa kalikasan, sa pamilya, at ‘yung Filipino core values nandito. ‘Yung pagiging mabuting kaibigan. Mapagmahal ka, matatag ka, matapang ka, pagkalinga sa pamilya.”

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with