^

PSN Showbiz

Sunshine, kinainggitan?!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
Sunshine, kinainggitan?!
Sunshine
STAR/ File

Ang sakit naman sa bangs ng ibang artista ng Channel 2 ang pag-welcome kay Sunshine Dizon, huh!

Aba, marami ring artista ng network na nawalan ng trabaho lalo na ngayong pandemya. May digital platform namang venue ng projects nila pero iba pa rin siyempre ‘yung napapanood ang mga artista sa free TV.

Nakisilong man ang Channel 2 sa TV5, medyo hirap pa ring umarangkada sa labanan ang ­istasyon, huh!

Siyempre, wala namang choice si Sunshine kundi sa Dos pumunta nang hindi na i-renew ng contract niya ng GMA.

Sana nga lang, isinaalang-alang ang ibang artista ng Dos na nganga rin sa trabaho ngayon.

Tutal naman, puwedeng maging rason ang pandemic upang mabawasan ang talent fee ng mga artista, huh!

Kesa nganga sa trabaho, tanggapin ang isusubong trabaho kahit tapyas ang talent fee nila!

Alice, nakabalik na!

Nakabalik na ng Pilipinas kahapon si Alice Dixson.

Ang bongga, kasama na ni Alice ang kanyang anak, huh!

Karga-karga niya ang anak sa video na ipinasilip sa Instagram. Simpleng caption na, “Touch down” ang una niyang nilagay.

Sa isang video, sinabi ni Alice na quarantine sila sa isang hotel.

“We finally made it in Manila, Terminal 2. Naksakay na kami sa van ng Ascot Hotel para sa aming quarantine. Pinili ko ‘to para malapit kami sa doctor ni Baby A,” saad ni Aliee.

Last April 2 inanunsyo ni Alice ang pagdating ng little miracle sa buhay ngsecond partner niya sa buhay.                                                 

vuukle comment

SUNSHINE DIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with