^

PSN Showbiz

Kobe, susubok uli sa NBA

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Kobe, susubok uli sa NBA
Kobe
STAR/ File

Bagong challenge na naman ang haharapin ni Kobe Paras sa pagpasok niya sa East West Private para subukan muling makapasok ng NBA.

Nagbunga nga ang pagtitiyaga niya nang husto dahil noong bumalik siya ng bansa apat na taon na ang nakaraan, inamin niyang dumaan siya sa matinding depression.

Hindi nga siya pinalad noon na mapasok ang NBA, kaya sobra niya itong dinamdam na hindi niya alam kung saan na naman siya magsisimula sa pagbalik niya ng bansa.

Pero hindi siya sumuko at nilaban niya ito.

Bahagi nga ng post niya sa kanyang Twitter account; “Whatever you’re going through, find a purpose and stick to it. It’s not easy at all. Only you can save yourself.”

Ngayon ay pinaghahandaan niya ito at nandiyan naman ang suporta ng buong pamilya.

Ang ama naman niyang si Benjie Paras ang nag-ayos nito dahil sa mga nakilala rin niya sa Amerika. Sabi nga ni Benjie nang makatsikahan namin sa nakaraang mediacon ng Agimat ng Agila; “Kasi ngayong naglalaro sila sa UP, wala pang assurance kung makakapaglaro sila sa UAAP this year o next year.

“So, nag-isip na kami, nagplano na kami at sinabi niya sa akin na gusto niyang bumalik sa States to train and ayun nakahanap ako ng connection ulit. Good for him… ano to  his second chance na makabalik dun and to improve well sa skills niya.”

Siyanga pala, marami pa sa atin ang dumaranas ng depression at talagang apektado ang ating mental health.

Sa mga nangangailangan ng tulong para sa kanilang mental health, puwede kayong humingi ng tulong sa National Center for Mental Health ng DOH.

Maaari kayong tumawag sa kanilang 24/7 hotline 09178998727 (USAP) at 9898727 (USAP).

Lock-in taping, matindi muna ang preparasyon para ‘di maghawahan!

Nasa lock-in taping na ngayon ang First Yaya ni Sanya Lopez na kung saan nasa isang location sila sa loob ng halos isang buwan. Kailangan nilang magbangko ng mga episode para hindi sila naghahabol lalo na’t maganda ang ratings nito.

Naghahanda rin ngayong bumalik sa taping ang Legal Wives ni Dennis Trillo kasama sina Alice Dixson, Andrea Torres at Bianca Umali.

Kagaya ng First Yaya, mahaba ang preparasyon nila sa taping. Mas maingat, dahil iniiwasan nilang mangyari ang mga nakaraang insidente na ang daming nagkahawahan.

Ang daming kinu-consider lalo na’t may iba’t-ibang variants pa ng COVID 19 na kumakalat.

Lahat ng mga taong involved, mula sa mga artista hanggang sa production staff ay magpapa-antigen test muna bago i-check in sa isang hotel. Pagka-negative ang resulta, puwede na silang i-check in sa isang hotel na kung saan doon muna sila i-quarantine ng limang araw. Dapat ay tig-isang kuwarto ang lahat at walang room sharing.

Sa loob ng limang araw ay ipapa-RT PCR test naman sila at hintayin ang resulta. Kapag negative, dadalhin na sa location at hindi na puwedeng lumabas. Ang makakalabas lang doon ay ang tapos na ang taping.

Magkakaroon din ng exit swab test na nakahiwalay ang testing area sa set.

Bawal ang chikahan pagkatapos ng taping ay nasa kuwarto lang sila.

Kailangang tapusin ang taping bago i-schedule ang airing nito, kaya baka bandang June na raw ang airing ng Legal Wives.

Samantala, wala pang pasabi kung kailan ang balik ni Alice Dixson mula Amerika.

Maaaring mahirap sa kanya ito dahil may baby siya na tiyak na mas gusto muna niyang mag-focus sa kanyang Mommy duties.

Sen. Bong, nag-uumpisa uli ang pakiramdam

Post ni Sen. Bong Revilla sa kanyang Facebook account; “Marami pa po kaming inihandang palaro at papremyong siguradong magbibigay saya sa inyong buong pamilya mga kababayan!

“Kaya huwag na po kayong magpahuli at tumutok sa ating Amazing Agimat ng Agila Giveaway ng 5:00 p.m., May 1, dito sa aking Facebook page!

“Sama-sama po tayong manonood ng Agimat ng Agila sa GMA 7 pagkatapos ng giveaway.”

Mas marami raw silang papremyo para lalong matuwa ang followers niya, lalo na’t may pinu-promote siyang Agimat ng Agila na mapapapanood na pagkatapos ng pa-giveaway.

Hindi raw maiwasang kabahan siya dahil parang feeling daw niya ay nagsisimula siya uli, sa tagal niyang nabakante sa TV.

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with