^

PSN Showbiz

Heaven, mas naging appreciative pagkatapos magka-COVID-19

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Heaven, mas naging appreciative pagkatapos magka-COVID-19
Heaven
STAR/ File

Kritikal ang naging kalagayan ni Heaven Peralejo nang magkaroon ng COVID-19 kamakailan. Mara­ming kasamahan din ng aktres sa teleseryeng Bagong Umaga ang dinapuan ng nakamamatay na sakit. “Naging critical kasi umabot sa point na kailangan ko ma-confine for seven days. So with the help of ABS-CBN and ‘yung Dreamscape Productions, natulu­ngan ako with everything that I needed at that time. Hindi naman nila ako pinabayaan,” kuwento ni Heaven.

Maraming mga bagay ang natutunan ng dalaga dahil sa ilang araw na pagkakasakit. Mayroong mensahe si  Hea­ven para sa lahat dahil sa kanyang naranasan. “Dapat i-take ng lahat na it’s a serious case. Natutunan ko do’n is life is short talaga and we should be more present. Kasi masyado tayong nag-iisip for the future eh. Iniisip ko ano ang next kong work? Ano ang gagawin ko para kumayod? Pero hindi natin naa-appreciate kung anong meron tayo ngayon. So ‘yon ‘yung isa sa mga nakuha kong lessons no’ng nagkaroon ako ng COVID. Mas naging appreciative ako and mas naging super close talaga ako sa family, to the point na mas gusto ko ipakita sa kanila every second of the day na mahal na mahal ko sila. Kasi hindi ko alam baka biglang may mangyari na naman, hindi man ako pero ayoko na i-take ‘yung risk, ayoko na mag-regret,” paglalahad ng aktres.

Maayos na ang kalagayan ni Heaven kaya nakapag-taping na rin para sa pagtatapos ng naturang serye ngayong araw. “Naka-recover na ako. Masaya ang puso kasi nakatapos ng show. Ito ang first show ko at mahal na mahal ko itong show na ‘to. Kaya talagang all positivity and nahanap ko din ‘yung peace,” pagtatapos ng dalaga.

Charlie, mas attracted sa Tisoy

Wala pang kasintahan si Charlie Dizon ngayon. Kahit maraming mga magagandang katangian ay wala umanong nanliligaw sa aktres na ngayon ay dalawampu’t limang taong gulang na. “Wala pa rin po, wala talaga. Hindi ko rin alam bakit,” nakangiting pahayag ni Charlie.

Ano nga ba ang tipo o mga katangiang hinahanap ng dalaga sa isang lalaki? “Mestizo po, mas naa-attract ako sa mestizo talaga, matangkad. Gusto ko siyempre ‘yung mabait po sa akin talaga and sa family ko. And ‘yung may goal din, may pangarap din, gano’n po,” pagbabahagi ng aktres

Samantala, magbibida si Charlie sa teleseryeng Viral. Gagampanan ng aktres ang isang biktima ng video scandal. Kabilang din sa bagong proyekto sina Dimples Romana at Jake Cuenca.  (Reports from JCC)

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with