^

PSN Showbiz

Bossing, hindi pa rin lumalabas!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Bossing, hindi pa rin lumalabas!
Pauleen, Vic at Talilitha
STAR/ File

Pangalawang birthday celebration na si Vic Sotto na naka-quarantine kaya wala silang party, at kahit nga simpleng lunch o dinner kasama ang mga anak ay hindi na nila nagawa.

Nagkaroon naman ng selebrasyon sa Eat Bulaga na kung saan humataw ng happy birthday song si Talitha at nagbigay ng mensahe sina Joey de Leon, Senate President Tito Sotto, at ilan pang mga Dabarkads na sina Ryza Mae Dizon, Baste, Ice Seguerra na kasali sa Bawal Judgmental.

Simple lang ang mensahe at wish ni Bossing Vic sa kanyang kaarawan, at pati na rin sa iba pang nagdiriwang ng kanilang kaarawan. Aniya; “Good health para sa lahat na tao. Kailangang magsama-sama tayo, magtulung-tulong para makaraos. Sana makaraos na lahat. Maayos na ang lahat.

“Basta ang importante, good health para sa lahat. Good health para sa ating bayan.”

Nag-Zoom lang ang iba pang mga anak ni Bos­sing Vic kasama ang kani-kanilang mga pamilya na sina Danica Sotto-Pingris, si Paulina Llanes, Oyoboy at Kristine, at solo lang siyempre si Mayor Vico Sotto.

Sabi naman ni Pauleen Luna sa kanyang IG post; “He also had the chance to be with the kids today (heart emoji) Kahit via Zoom lang, nagkaiyakan pa. Thank you for making Vic happy!”

Pero sa bahay daw nila ay silang tatlo lang ang nag-celebrate dahil mas dobleng ingat pa sila ngayon.

AJ at Diego, matindi ang love scenes

Nasa Amerika pa pala si Lovi Poe para magbakasyon kasama ang boyfriend siyempre. Pagbalik niya rito ay magkakaroon na ng desisyon kung pipirma na siya ng renewal sa GMA 7 o sa programang Doctor Foster ng Kapamilya channel.

Base sa mga naririnig namin, parang hindi na nga raw matutuloy si Lovi sa Doctor Foster at posibleng nagkaayos na sila sa renewal sa GMA 7.

Sa totoo lang, marami ang may gustong manatiling Kapuso si Lovi dahil dito naman talaga siya na-groom nang husto at naging magaling na aktres.

Ang isa sa sobrang humahanga sa kanya ay ang baguhang sexy actress na si AJ Raval. Nakatsikahan namin si AJ sa radio program namin sa DZRH at sinabi niyang gusto raw niyang masundan ang career path ni Lovi. “Ang galing niya pong umarte eh. Ang sexy, seductive, ang ganda po ng mukha at sobrang class niya po,” pahayag ni AJ tulong kay Lovi.

Pagkatapos na i-launch sa digital movie na Paglaki Ko Gustong Kong Maging Pornstar, may kasunod siya ngayon na isang mystery-drama na Death of A Girlfriend na dinirek ni Yam Laranas.

Si Diego Loyzaga ang kasama niya rito at walang kiyeme si AJ sa mga sexy scenes dahil ang laki naman daw ng tiwala niya kay direk Yam at kompor­table naman siya kay Diego. Isinalang naman daw muna sila sa workshop bago nagsimulang mag-shooting.

Meron nga raw silang mainit na love scene na kung saan silang tatlo lang daw nina Diego at direk Yam ang nasa loob ng isang kuwarto. Nakahubad sila ni Diego at talagang mainit daw ang eksena pero maayos daw ang pagkakakuha sa kanila ni direk Yam. Tinanong namin siya kung wala ba siyang may naramdaman kay Diego. “Wala naman po akong nararamdaman. Trabaho lang naman po,” diretsong sagot ni AJ.

Mapapanood na ngayong araw itong Death of A Girlfriend sa Vivamax, KTX.Ph, IWant TFC, TFC IPTV at Sky PPV.

vuukle comment

VIC SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with