^

PSN Showbiz

Jimuel, ayaw ng ka-love team

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jimuel, ayaw ng ka-love team
Jimuel

Hindi raw inakala ni Jimuel Pacquiao na mapapasabak siya sa show business.

Ayon sa panganay na anak nina Manny at Jinkee Pacquiao ay marami ring naging alok sa kanya noon kaya sinubukan niya ito. “I never thought of myself as an actor. But then, there are lots of offers here and there. They always say na when you are young, always try everything. So naisipan ko na subukan kasi even in high school I had experience din naman when it comes to acting. So I want to give it a try and see how it goes from there,” bungad ni Jimuel.

Noong isang taon lamang napabilang ang binata sa Star Magic. Ngayon ay isa na rin si Jimuel sa miyembro ng Gold Squad Plus ng Kapamilya network.

Suportado umano ng mga magulang ang baguhang aktor sa mga ginagawa nito bilang baguhang artista. “Kasi kung papipiliin sila, showbiz or boxing, siyempre do’n sila sa showbiz. Kasi ayaw nila akong mag-boxing. When it comes to showbiz they’re very supportive naman. They made sure in the beginning na I really wanted to go in. Kasi it’s very taxing daw schedule-wise. So parang tinanong nila talaga ako bago ako pumasok,” kuwento niya.

Kasintahan ni Jimuel ang kasamahan din sa Star Magic na si Arabella del Rosario. Ngayon ay hindi pa nakikita ng aktor na magkakaroon siya ng katambal sa mga proyektong gagawin. “Sa ngayon siguro when it comes to love teams, it’s not really like one of the things na pinakagusto ko. I’m willing to be versatile naman and I’m just waiting for opportunities sa ngayon. First, I still have a lot to work on and I’m still a newbie here. So easy start muna and then work myself up. I think that’s the plan,” pagtatapos ng baguhang aktor.

Sunshine, pumayat sa virus

Nakabalik na sa trabaho si Sunshine Cruz pagkatapos magkaroon ng COVID-19 kamakailan. Tatlong linggong naka-isolate ang aktres mula nang makumpirmang nadapuan ng virus. “It was hard kasi I had to isolate. Tapos nalulungkot na ako kasi nakikita ko ‘yung iba na mayroon ding nag-test ng positive after 14 days they were already working out. They were already with their  families and their kids. So parang ako, ‘What’s happening? How come ‘yung symptoms ko ang tagal-tagal talagang nawala?’ Kaya nga I lost 10 lbs,” pagbabahagi ni Sunshine.

Malaki ang pasasalamat ng aktres dahil hindi malala ang naging kalagayan at nalampasan ang lahat ng panganib na dulot ng naturang sakit.  “Ipinagpapasalamat ko sa Diyos na ang dami-daming nag-i-struggle sa hospital, nahihirapan talaga. Pero ako I was able to survive ‘yung pagkakaroon ng COVID inside my house, isolated at walang nahawa kahit sino. So that alone is a blessing already,” dagdag na pahayag ng aktres. Reports from JCC

 

 

 

vuukle comment

JIMUEL PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with