^

PSN Showbiz

Mabuo pa kaya ni Heaven ang mga iningatang pamilya?

Pilipino Star Ngayon
Mabuo pa kaya ni Heaven ang mga iningatang pamilya?
Heaven
STAR/ File

Ano ang gagawin ni Tisay  (Heaven Peralejo) para idiin si Diana (Glydel Mercado) sa kanyang mga krimen at para buuin muli ang mga pamilyang iningatan niya?

Hinaharap ngayon ni Tisay ang pinakamatinding pagsubok sa kanyang  buhay dahil nawasak na ang kanyang dalawang pamilya sa patuloy na paghihiganti ni Diana sa huling linggo ng Bagong Umaga.

Para makaiwas sa panganib, pumayag si Tisay na manatili sa pamamahay nina Maggie (Sunshine Cruz) at Ian (Cris Villa­nueva). Pinirmahan na rin niya ang mga dokumento para maging legal na siyang Veradona, na masidhing tinutulan at ikinagalit nina Monica (Nikki Valdez) at Jose (Keempee de Leon).

Mas lalala pa ang sitwasyon dahil malalaman nina Angge (Michelle Vito) at Diana na sila ay mag-ina. Hindi matatanggap ng dalaga ang katotohanang ang inang kanyang matagal nang hinahanap ang may kagagawan sa gulo at trahedya sa buhay ng kanyang mga kaibigan at kinalakihang pamilya.

Paano ngayon haharapin ni Diana ang rebelasyong buhay pala ang kanyang anak? Mabuo pa kaya ni Tisay ang kanyang mga pamilya?

Panoorin ang huling linggo ng Bagong Umaga sa A2Z channel sa free TV at digital TV boxes gaya ng ABS-CBN TVplus, sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel, sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, at iWantTFC.

OML, may sikretong mabubunyag

Sunud-sunod ang mga sikretong nabubun­yag at nakaraang nauungkat sa hit rom-com series na Owe My Love.

Tila lumalala na ang dementia ni Lolo Badong (Leo Martinez) kaya’t hindi na niya makilala si Sensen (Lovi Poe) bilang asawa ni Doc Migs (Benjamin Alves). Sa halip, aakalain niyang si Trixie (Winwyn Marquez) ang kabiyak ng kanyang apo. Laking tuwa naman ni Trixie dahil sa wakas ay sumasang-ayon na ang tadhana sa plano niyang mapaghiwalay sina Doc Migs at Sensen.

Bagamat masama ang loob ni Sensen na nakalimutan na siya ni Lolo Badong, mababaling naman ang atensyon niya sa kasintahang si Doc Kenneth (Rocco Nacino). Ipararamdam niya at ng buong pamilya Guipit ang mainit na pagtanggap nila kay Doc Kenneth. Dahil dito, lalabas ang tunay na kulay ni Doc Kenneth na ikababahala ni Doc Migs kaya susubukan niyang bigyang babala si Sensen.

Babalikan naman ni Divina (Jackie Lou Blanco) ang kanyang naunsya­ming plano sa pagkamkam ng kayamanan ng mga Alcancia. Bubusisiin niya ang last will and testament ni Lolo Badong at madidiskubre niyang may kinalaman dito ang isang “Ismael Guipit.” Ngayong linggo ay lalabas din ang ugnayan nina Lolo Badong at Ismael, at kung ano ang nakaraan nilang dalawa.

Ilan lang ‘yan sa mga kapana-panabik na eksena na dapat abangan sa Owe My Love, 9:35 pm, gabi-gabi sa GMA Telebabad.

vuukle comment

HEAVEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with