^

PSN Showbiz

Aktres na hindi masalita, kilalang nasa loob ang kulo!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nakakamangha ang rebelasyon ng isang impormante tungkol sa isang kilalang female personality. Ipinaglihi kuno sa hinog na mangga ang babaeng personalidad, sa madaling salita, manggagamit siya.

Mapagpanggap din daw ang aktres, maraming ginagawa nang hindi naman galing sa puso, makuha lang ang loob ng taong pinupuntirya niyang maging kalapit niya ng kalooban.

Kuwento ng aming source, “Very scheming ang babaeng ‘yun, pero parang ang layu-layo sa personalidad niya, kasi, palagi lang siyang pangiti-ngiti.

“Parang napakasimple lang niya, hindi nga siya masalita, pero nasa loob ang kulo ng babaeng ‘yun!” unang hirit ng aming source.

Mahilig siyang magregalo sa mga taong kinakailangan niya, kapag may gusto siyang project, asahan nang sunud-sunod ang pagreregalo niya sa mga taong magdedesisyon.

Patuloy ng aming impormante, “Kahit sa guy na natataypan niya, ganu’n din ang gimik niya. dinadaan niya ‘yun sa pagreregalo ng kung anu-anong pagkain.

“Kaya nga siya naboldyak nu’n ng wife ng isang male personality, di ba? Takang-taka si wifey kung bakit siya regalo nang regalo ng mga cake at pastries sa male personality, e, hindi naman sila magkarelasyon?

“Nabuking ang drama niya ng wife nu’ng male personality, nagtanung-tanong kasi ang girl kung talagang ganu’n ang female personality.

“’Yun na! Napakaliit ng kinabibilangan nilang mundo, may mga nakapagsabi kay misis na ganu’n talaga ang girl kapag may pailalim na gusto sa guy!

“O, di nakatikim siya ng mga salitang hindi niya makain ang female personality? Naunsiyami ang pagkagusto niya kay mister!” kuwento pa rin ng aming impormante.

At ganu’n din pala ang ginawa niyang paraan para magustuhan siya ng pamilya ng isang kilalang male ­personality na nataypan niya.

Sabi ng aming source, “Yes, una niyang niligawan ang family ng guy. Panay-panay ang regalo niya ng mga food. May mga panghimagas pa! Pero nu’ng maging sila na, e, waley na!

“Kahit isang pirasong polvoron, hindi na siya nagreregalo, nakuha niya na kasi ang gusto niya! Nakakaloka pala ang babaeng ‘yun! Sisimple-simple lang siya, pero may mga ­underground attack siya!

“Pero naging maigsi lang ang relasyon nila, maligaya na ngayon ang guy dahil sa isang female personality na hindi nagpakita ng best foot forward sa kanya! Walang pretensiyon, walang pagpapanggap!” ­napapailing na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Maraming salamat sa ­bakuna!

Kabilin-bilinan ng anak-anakan naming doktor, kahit anong klase raw ng bakuna ang ibigay ay tanggapin namin, dahil walang katapat na kahit magkano ang kapayapaan ng kalooban na idudulot nu’n ngayong panahon ng pandemya.

At naganap na nga ang takdang araw ng pagsailalim namin sa pagpapabakuna kasama sina Manay Lolit Solis, Mr. Fu, Salve Asis, Gorgy Rula, Japs Gersin at Tina Roa.

Sina Manay Lolit at Salve Asis ang naging punong-abala sa koordinasyon, palagi naming naaalala ngayon ang pagpaparoo’t parito ni Salve sa Skydome kung saan kami nagpabakuna, talagang tinutukan kami nito.

Marami kaming pinagdaanang proseso, ang pagpirma ng info sheet kung saan kailangang maging tapat ka sa mga impormasyong itinatanong, pagkatapos ay tatlong grupo ng mga doktor ang kailangang kumausap sa iyo kasabay na ang pagkuha ng iyong blood pressure at temperatura.

Sandaling paghihintay pa at tuturukan ka na ng bakuna. Sinovac ang ibinigay sa aming grupo. Maliit na botelya lang na ang ibinigay na kapayapaan ng isip at pag-asa sa amin ay hindi puwedeng tawaran.

Maraming-maraming salamat kay Mayor Joy Belmonte at sa kanyang mga staff sa pangunguna ni Jessica Manipis. Para silang marerespetong tour guide na aasikasuhin ka mula umpisa hanggang sa mabigyan ka na ng bakuna.

Ang Tzu Chi Medical Group ang namahala sa aming lahat sa pangunguna ni Dra. Edith Navarro na napakagaan ng kamay sa pagtuturok. Wala man lang kaming naramdaman.

Nagpapasalamat din kaming lahat sa mga nurses na sina Chiqui Ferraren, Nina Guevarra, Neri Villanueva, Amy Biado, Baby Benedicto at iba pang umasikaso sa amin pagkatapos ng pagpapabakuna.

Sila ang mga nasa pinakahuling mesa palabas na sa Skydome. Kukunin uli nila ang blood pressure mo, ang temperatura mo, kasunod ang pagsasabi kung kailan mauulit ang pagpapabakuna bilang ikalawang dose.

Napakaayos ng pamamalakad ng Quezon City sa pagbibigay ng bakuna. Malinis ang lugar, mawawala ang takot mo, dahil sa marerespeto nilang doktor, nurses at buong staff ng pamahalaan ng lungsod.

Sa kaarawan ni Nora Aunor, May 21, ay muli kaming babalik sa Skydome para sa ikalawang sultada ng aming bakuna.

Maraming-maraming salamat uli kay Mayor Joy Belmonte at sa kanyang buong staff, sa Pilipino Star NGAYON sa kanilang malasakit, at salamat sa Diyos dahil nabakunahan na kami ng panglaban sa salot.

Sana, all.

vuukle comment

ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with