^

PSN Showbiz

Gabby Eigenmann, gaganap na psychotic husband sa #MPK

Pilipino Star Ngayon

Ngayong Sabado (April 24), tunghayan ang natatanging pagganap ni Kapuso actor Gabby Eigenmann bilang isang lalaking nawala sa katinuan sa episode na pinamagatang My Psychotic Husband ng real-life drama antho­logy na Magpakailanman.

Matapos magpakasal, hindi inakala ni Emily (Lovi Poe) na biglang magbabago ang pakikitungo ng kanyang asawang si Abet (Gabby) na kalauna’y magkakaroon ng mental disorder.

Upang mailayo ang sarili at kanilang mga anak sa kapahamakan, nagdesisyon si Emily na iwan ang asawa at lisanin ang kanilang tahanan. Unti-unting lalala ang kondisyon ni Abet at mapapatay niya ang kanyang pangalawang asawa na si Joy (Alessandra de Rossi) at mga anak.

Makakamit pa nga ba ni Abet ang nararapat na tulong para sa kanyang kondisyon? Huwag palampasin sa My Psychotic Husband  ngayong Sabado, April 24, 8p.m. sa #MPK.

vuukle comment

GABBY EIGENMANN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with