^

PSN Showbiz

Anjo at Jomari, sa Bicol na titira, Ryan namiligro ang buhay

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Anjo at Jomari, sa Bicol na titira, Ryan namiligro ang buhay
Jomari at Abby
STAR/ File

Marami ang nabahala sa nakaraang Facebook post ni Anjo Yllana na humihingi siya ng dasal para sa kanyang bunsong kapatid na si Ryan Yllana.

Nung nakaraang Huwebes ay kailangan daw itong i-airlift patungong St. Luke’s Medical Center mula sa Olivarez Hospital sa Paranaque.

Ganun ka-grabe na kaya si Ryan na kailangan pang i-airlift? Pero nung Biyernes ng umaga ay nag-post uli si Anjo at nagpapasalamat at okay na raw ang kanyang kapatid.

Nakausap namin ang actor/TV host sa radio program namin sa DZRH nung Biyernes ng gabi at doon ipinaliwanag ni Anjo ang nangyari kay Ryan.

Dumaan pala sa Appendix surgery si Ryan sa Olivarez General Hospital dahil sa malapit na raw pumutok ang appendix nito.

Mabuti at naagapan, pero pagkatapos ng operasyon ay tila lumala raw ang kalagayan ng dating komedyante at konsehal ng Paranaque dahil sa may lumalabas daw na itim sa kanyang ihi. “Ang pagkakaalam ko pag pula, galing lang dito sa labasan natin. Pero pag itim daw galing sa loob. Kaya ako kinabahan,” pakli ni Anjo.

Hindi lang niya idinetalye kung may pagkukulang o pagkakamali sa hospital. Ang tanging concern lang daw nila nung mga oras na iyun ay ilipat na siya ng hospital at mabuti merong nabakante sa St. Luke’s Medical Center sa QC.

“Yung detalye ng mga operasyon saka na lang namin tatanungin, Kasi wala namang magagawa kung ano ang nangyari. Ang importante ngayon, nagpapasalamat ako sa mga kaibigang nagdasal. Kasi nakiusap ako na ipagdasal yung kapatid ko, at awa ng Diyos, mukhang papunta na siya… he is not out of danger yet, but he is in a better state ngayon,” dagdag niyang pahayag.

Kinorek na rin daw si Anjo ng kapatid niya na hindi naman daw siya na-airlift pahatid sa St. Luke’s, kundi sa ambulansiya raw isinakay.

Samantala, madalas palang nasa Camarines Sur ngayon si Anjo dahil pinag-uusapan na raw nilang magkakapatid na bumalik na sila sa probinsya. Pinapaayos lang daw nila ang ancestral house nila roon, kaya nagri-rent lang daw muna siya ng bahay na matutuluyan para mabantayan niya nang mabuti ang bahay na inaayos doon. “Nag-decide na kasi kaming magkakapatid nung pandemic… natakot kasi si Ryan, ang dami naming anak. Nag-decide kami dahil konti lang yung (COVID) cases sa Bicol na umuwi at the same time asikasuhin ang mga properties na napapabayaan, sayang eh.

“Ngayon kami ni Jom ang natuloy sa pag-uwi. Tapos ako, every after taping umuuwi ako ng Bicol, yung bahay namin hindi ko matirhan, kaya umupa muna ako ng isang bahay sa ang tawag ay Tinambac, kung saan dun nanggagaling ang mga malalaking alimango for export,” saad ni Anjo.

Si Jomari raw halos doon na nakatira sa CamSur kasama si Abby Viduya.

Dalawang taon na pala ang relasyon nina Jomari at Abby, at nakikita naman daw ni Anjo na masaya ang kapatid niya sa piling ni Abby.

Barbie, ramdam na si Jak na ang forever

Posibleng sa kasalan na nga mauuwi ang relasyon nina Barbie Forteza at Jak Roberto.

Halos apat na taon na rin ang kanilang relasyon at nabanggit ni Barbie sa nakaraang virtual mediacon ng I Can See You na napapag-usapan at napagbibiruan na raw nila minsan ang kasal.

Pero marami pa raw silang kailangang tapusin at mag-ipon pa talaga. Sinundan ko nga ng tanong si Barbie na masasabing si Jak na nga ba ang lalaking hinahanap niya na makakasama niya forever. Ito na ba ang lalaking pakakasalan niya?

“Wala na po kasi parang ano eh…wala na akong nakikita na rason bakit hindi siya,” pakli ni Barbie nung nakaraang Biyernes. “Siguro ang pinansyal na lang po ang problema. Budget na lang, saka right timing,” napapangiti pa niyang pahayag.

Malaki raw ang nagawa ni Jak sa kanya nung naging sila, lalo na’t ito raw ang lagi niyang natatakbuhan kapag nagkakaproblema siya.

Kaya kayod pa more muna sila ni Jak, at thankful naman si Barbie sa GMA 7 dahil talagang magaganda ang projects na binibigay sa kanya pagkatapos ng Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday. Magsisimula na ito sa Lunes, April 19 pagkatapos ng First Yaya.

vuukle comment

JOMARI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with