^

PSN Showbiz

Sariling sikap sa training si Lazaro

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kanya-kanyang paandar ang mga volleyball players upang mapanatili ang kanilang kondisyon matapos ipatigil ang training ng mga professional teams na nasa loob ng NCR plus bubble.

Kaya naman may sariling volleyball training si Choco Mucho libero Denden Lazaro na regular na ginagawa nito sa loob ng kanilang tahanan.

Sa kanyang post sa Instagram, ipinakita ni Lazaro ang wall spike-dig drills na malaki ang maitutulong upang makontrol ang bola sa floor defense.

“Put the work in until it works out,” ayon sa post ni Lazaro.

Naudlot ang ensayo ng mga koponan sa Premier Volleyball League (PVL) matapos isailalim ang NCR plus bubble sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) na ngayon ay ibinaba na sa Modified ECQ.

Target ng pamunuan ng PVL na masimulan ang Open Conference sa Hunyo mula sa orihinal nitong petsa sana ng opening sa Mayo.

Ayon sa mga team officials, kailangan ng mga players ng mahaba-habang panahon para mag-ensayo upang maibalik ang magandang kondisyon bago simulan ang liga.

vuukle comment

PVL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with