^

PSN Showbiz

Lalaking singer na natikman lahat ng ‘putahe, ‘­kinabaliwan noon ng young actress na maraming pinatulan!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nu’ng kasagsagan ng popularidad ng isang male singer ay walang nakaligtas sa kanya. Sabi nga ng kanyang mga kaibigan, lahat ng putahe ay natikman niya, siya naman kasi ang nilalapitan ng mga kababaihan.

Walang tigil ang dating sa kanya ng tukso, hindi pa siya natatapos sa isa ay meron nang nakapila, grabe ang sex life nu’n ng magaling naman kasing male singer.

Kuwento ng aming source, “Halos hindi na siya umuuwi nu’n, nagho-hotel na lang siya, hindi siya nag-uuwi ng babae sa bahay nila. Hindi ‘yun puwede sa mommy niya na talagang nakabantay sa kanya!

“So, para maganap ang lahat, e, kailangan niyang mag-hotel, du’n nagaganap ang mga kababalaghan, napakarami talagang naloloka sa kanya,” napabuntong-hiningang kuwento ng aming impormante.

Nu’ng mga panahong ‘yun ay may isang young actress na patay na patay sa male singer, talagang bigay na bigay sa kanya ang bagets, sinusundan siya nito kahit saan.

Balik-kuwento ng aming source, “Matindi ang young actress na ‘yun, iniiwasan na nga siya ng male singer dahil napakabata pa niya, pero ang girl talaga ang naghahabol sa kanya!

“Para siyang secretary-PA ng male singer, alam niya kung saan ang show ng lalaking hinahabol niya, may mga time ngang mas nauuna pa siya sa venue ng show!

“Kung anu-ano rin ang inireregalo niya sa male singer, puro branded pa, ganu’n siya kalukring sa sikat na singer na pinag-aagawan ng mga kababaihan!” kuwento pa rin ng aming source.

Maraming may type sa young actress, mga sikat ding artista, pero talagang ang male performer lang ang kanyang gusto. Deadma siya sa mga guwapong artista, ang male singer lang ang type nito, kung bakit ay ang young actress lang ang nakakaalam.

Fast forward na tayo. Nakilala naman ang young actress, kumupas na ang bituin ng male singer, pero aktibo pa rin siya hanggang ngayon at pamilyado na.

Kuwento ng aming source, “Kapag nagkikita sila, e, ang male singer pa ang nahihiya, pero ang girl, siya pa ang nagpapaalala sa past nila!

“Ibang klase naman kasi ang female perso­nality na ‘yun, e! Strike everywhere din! May singer, may artista, may politician! Mas matindi ‘yun!

“Kung babaero ang male singer, e, si female personality naman ang banderada ng mga lalakero sa showbiz!” tawag nang tawang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Melai, inupakan sa pagdadamot sa mga kamag-anak

Ipinahamak ng komedyanteng si Melai Cantiveros ang kanyang sarili sa pagiging totoo niya. Sabi nga, “I can’t give you a sure fire formula for success, but I can give you a formula for failure—try to please everybody.”

Totoo ‘yun. Maging totoo man tayo ay hindi nangangahulugang mauunawaan tayo ng lahat. Siguradong may kokontra, may uupak, lalo na sa panahon ngayon ng kapangyarihan ng social media na parang COVID-19 na hindi naman natin nakikita ang ating mga kalaban.

Nag-post kasi si Melai na hindi siya magbibigay ng tulong sa kanyang mga kamag-anak pagdating sa pangmatrikula ng mga anak nito.

Sa kanyang pamilya raw ay hindi siya nagdadalawang-isip na tumulong pero sa mga kamag-anak ay hindi ganu’n kabukas ang kanyang palad sa pagtulong. ‘Yun ang kanyang posisyon.

Dahil du’n ay pinakain ng ampalaya ng mga bashers at netizens si Melai, gumanda lang daw ang kanyang kapalaran sa pag-aartista ay tumodo na ang kanyang kayabangan.

Sabi pa ng isang nagkomento, “Para ka namang hindi nanggaling sa wala. Dapat nga, naiintindihan mo ang ganu’n dahil hindi ka naman ipinanganak na mayaman!

“Sinuwerte ka lang sa pag-aartista, kumita ka lang nang malaki, napakayabang mo na!” isa lang ‘yun sa ibinalik na bashing sa komedyana.

Tama rin naman ang katwiran ni Melai, ibinigay niyang halimbawa ang kanyang pamilya, mga bata pa silang magkakapatid ay tinuruan na sila ng kanilang mga magulang na magbanat ng buto sa maagang panahon.

Para hindi raw sila umaasa lang sa ibang tao. Para wala silang inaabala. Para matuto sila na sa maagang panahon pa lang ay mamuhay na nang independente.

Pero nasa bansa tayo na ang pagtutulungan ng mga magkakapamilya at magkakadugo ay buhay na buhay. Kung sino ang mas nakagiginhawa ay ‘yun dapat ang tumutulong.

Umiikot lang naman ang buhay. Baka ang humihingi ng ayuda ngayon ay gumanda ang buhay at ‘yun naman ang magbibigay ng tulong sa mga nangangailangan.

Tanggapin na lang ni Melai at ng iba pang mga personalidad na sa panahon ngayon, maganda man ang kanilang layunin ay siguradong may kokontra sa kanila, siguradong may magpaparatang sa kanila ng mga salitang hindi nila makakain-mangunguya.

 

 

vuukle comment

ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with