^

PSN Showbiz

Tala ni Sarah, may repeat!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
Tala ni Sarah, may repeat!
Sarah

MANILA, Philippines — Ikinakasa na ang repeat ng Tala Film digital concert ni Sarah Geronimo-Guidicelli.

Pinag-usapan ang concert na ito ni Sarah at nag-trend worldwide sa Twitter.

Special guest niya sa concert ang husband na si Matteo Guidicelli. Impresssed din ang viewers sa buwis-buhay na ginawa ng Pop Star Royalty sa global concert.

Ayon sa report, sa May 1 magaganap ang repeat ng Tala concert ni Sarah.

Birthday ni Sixto, binaha ng pagbati

Talbog ang ibang baby celebrities sa rami ng bumati sa second birthday ni Sixto “Ziggy” Rivera Dantes kahapon.

Isang litrato ni Ziggy ang pinost ni Marian sa kanyang Instagram habang kaharap ni Sixto ang kanyang birthday cake.

“Maligayang kaarawan mahal ko! #six2,”caption ni Yan.

Siyempre hindi lang celebs ang pumuso sa kaarawan ng bata kundi pati na rin ang milyong followers ni Marian, huh!

Happy, happy birthday, Ziggy!

Erap, binalik sa ICU 

Nagkaroon daw ng lung infection si former President Joseph Estrada kaya ibinalik siya sa intensive care unit mula sa regular room ayon sa pahayag ng anak niyang si former senator Jinggoy Estrada.

Pero sa non-COVID ICU siya ibinalik.

Patuloy namang humihiling ng dasal ang pamilya Estrada na maging maayos na ang kalagayan ng dating presidente.

 

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with