^

PSN Showbiz

Sikat na male movie at TV personality, tinanggihan ng TV exec ng ibang network

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Totoo naman pala ‘yung nagparamdam sa ibang network ang mga nagha-handle sa sikat na male movie and TV personality, pero walang magandang feedback ang buwelta sa kanila.

Sikat siya at malaking balita naman kung sakaling pumirma siya ng kontrata sa ibang network. Pero waley! “Hindi ko siya gusto!” sabi raw ng isang TV executive na inalok ang sikat na celebrity.

Pero wala naman siyang pahaging o hanash na aalis na siya sa network na nagpasikat sa kanya. Tuloy pa rin naman ang regular show niya. Pero natigil lang ngayon dahil naka-ECQ (enhanced community quarantine) at ganun pa rin yata ang desisyon ng management kahit MECQ na dahil sa may mga nagkakasakit pa sa production staff at delikado pang magtrabaho sa labas.

Kung sabagay, komportable na itong si male movie and TV personality sa buhay niya ngayon dahil sapat naman siguro ang naipon niya at nakikita namang masagana ang buhay niya. Pero pagdating sa showbiz career, walang katiyakan kung ano ang nakalaan para sa kanya. Kaya baka sa social media na muna siya, dahil malakas pa rin naman yata siya roon.

Coney, may kaba sa pagpapabakuna

Naaliw kami sa huling Facebook live ng Pasig City Mayor Vico Sotto tungkol sa pagbabakuna. Ibinuko nga niyang 67 years old na ang mommy niya, si Coney Reyes at nagpapa-schedule na rin daw itong magpabakuna.

Sabi niya, “Baka next week, or this weekend pa po ‘yung schedule ni mama, ano? Si Mama, isipin n’yo, sixty-... ay! Baka magalit pala kung sabihin ko kung ilang taon na siya! Senior citizen!  Alam n’yo naman, senior citizen si mama. Sabihin ko na, hindi naman siguro siya magagalit. Sixty-se­ven years old. Nasa Google naman ‘yan kung i-search ninyo, e.

“Sixty-seven years old po ang nanay ko. Ahh, may comorbidities din po siya. Hindi ko na po sasabihin kung ano’ng comorbidities niya.”

Nilinaw ni Mayor Vico na dumaan sa tamang proseso ang kanyang ina. Humingi lang daw sa kanya ng link at nag-fill out doon ang mama niya para mabigyan na ng schedule. “Lumalabas pa siya pag may trabaho. So, dapat din talagang mabakunahan. Pero... walang palakasan. Dumaan po sa tamang proseso. Nag-fill siya ng form. Hinihingi pa nga niya sa akin ‘yung link. Sabi ko, ‘Ma, tingnan mo na lang sa P.I.O. kung saan ‘yung link.’ Medyo kinakabahan din siyang mabakunahan pero willing na naman siya.

“So, ito pong ginawa natin, by sche­dule. Nanay ko mismo, kailangang i-text muna ng provider, ng team kung kailan ‘yung sche­dule niya,” patuloy na pahayag ng Pasig City Mayor.

Kahit ang Daddy niyang si Vic Sotto ay nagpapa-schedule na rin, na sa Pasig bumoto kaya doon daw siya magpapabakuna.

Matagal na raw niyang ibinilin kay Mayor Vico na magpapa-schedule na siya kapag may link na.

Limitado pa raw ang nakalaan sa kanilang bakuna kaya strictly no walk-in sabi niya. Lahat dapat ay magpa-schedule kaya ganundin ang ginawa nina Bossing Vic at Coney kahit mayor na doon ang kanilang anak.

Sanya, naniniwalang may ­darating NA lovelife para sa kanya

Consistent na mataas ang rating ng First Yaya ni Sanya Lopez kaya ang saya ng Kapuso actress at pawang magagandang feedback ang nakarating sa kanya.

Malapit na silang bumalik sa lock-in taping, pero mas mahigpit at maraming safety protocols na kailangang sundin.

Bukod sa First Yaya, magiging abala na rin si Sanya sa promo ng Agimat ng Agila na weekend series naman nila ni Sen. Bong Revilla. Sa May na ito magsisimula. Kaya magiging mula Lunes hanggang Sabado na mapapanood ang Kapuso sexy actress.

Kaya curious kami kay Sanya kung may time pa ba siya ngayon sa lovelife niya. Tinanong nga namin siya kung mas marami ba ngayon ang nanliligaw sa kanya, dahil sikat na sikat na siya. O baka naman nai-intimidate na ang ibang boys kaya medyo naiilang na silang pormahan ito? “Sa tingin ko po hindi po sila naiilang dahil friendly naman po ako sa kanila,” sagot ni Sanya sa ipinadala naming tanong sa Kapuso PR Girl.

Pero open ba si Sanya na magka-lovelife na ngayon kahit abala  naman siya sa First Yaya at Agimat ng Agila? “Naniniwala naman po kasi ako na kung darating, darating. Kahit naka-focus ako, kung darating po ang tamang tao, wala tayong magagawa,” pakli niya.

Hindi naman daw siya nagmamadali at hindi naman daw niya hinahanap na magka-lovelife na siya ngayon. Naniniwala raw siyang ang Diyos ang magbibigay sa kanya ng tamang timing na magka-lovelife na siya.

So far, masaya naman daw siya sa trabaho niya lalo na sa First Yaya na naging close na niya ang co-actors niya.

Nakikita naman sa social media kung gaano ka-close si Sanya sa mga kasamahan niya rito lalo na kina Kakai Bautista, Cai Cortez at Maxine Medina.

vuukle comment

MECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with