^

PSN Showbiz

Female personality birhen nang mag-asawa, hindi natikman ang singer-actor na natipuhan!

SHOW-MY - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Totoo ang kuwento na ang napangasawa ng isang kilalang female personality ang unang nakaangkin sa kanyang kabirhenan. ‘Yun ang pinakamaganda niyang regalo sa kanyang mister.

Totoo ‘yun pero magaling pumaraan ang female personality na ito dahil sa sobrang kahigpitan ng kanyang mga magulang. Gusto rin naman siyempre niyang matikman kung paano magmahal at kung paano mahalin.

Kuwento ng aming source, “Impernes, totoo namang wala pa siyang karanasan sa sex. ‘Yun talaga ang sobrang gandang gift na ibinigay niya sa lalaking naghintay sa kanya para siya pakasalan.

“Pero kahit siya siguro, e, natatawa na lang ngayon sa nakaraan. Nainlabey kasi siya sa isang singer-actor, pero hindi naman siya type,” unang hirit na bitin ng aming impormante.

Nagkasama sila noon sa isang serye, maaga pa lang ay nasa set na ang female personality, sabik siyang mag-report sa trabaho dahil nandu’n ang singer-actor na type na type niya.

Patuloy ng aming source, “Aminado naman siya sa mga co-stars at friends niya na talagang type na type niya ang guy. Hanggang sa trabaho lang kasi sila puwedeng magkita, mahigpit ang parents niya, work-bahay lang ang ikot ng mundo niya.

“Matindi ang bilin ng parents niya sa driver at alalay niya, huwag siyang hihiwalayan ng tingin, kailangang nakabantay sila sa lahat ng galaw ng female personality.

“Natural, buryong na buryong ang girl sa takbo ng buhay niya, kaya nakaisip siya ng mga paraan para makapagkita sila ng singer-actor. Malaki ang naitulong sa kanya ng mga malls.

“Kinuntsaba na niya that time ang alalay niya, magkaalam na sila, naaawa rin naman kasi sa kanya ang PA niya dahil puro trabaho ang ginagawa niya.

“Bababa sila sa harapan ng mall, nasa kabilang pintuan naman ang car ng singer-actor, hindi sila umaalis, du’n lang sila. Maligaya na ang female personality sa ganu’n.

“Habang magkasama sila, e, bumibili naman ng kung anu-ano ang alalay niya para may maipakita siya sa mommy niya kapag umuwi na sila.

“Lusot ang female persona­lity, masaya na siya sa ganu’n, ang problema nga lang, e, hindi naman siya type ng guy. Tinatanggap lang ang invitation niyang magkita sila, pero may girlfriend ang guy na artista rin.

“Nagkatuluyan ang singer-actor at ang girlfriend niyang aktres, tanggap na rin ‘yun ng female personality, dahil may karelasyon na siyang young politician na handa siyang hintayin.

‘At sila rin ang nagkatuluyan, nagpakasal siyang bitbit ang kanyang kabirhenan, sa totoong-totoo lang naman,” natatawang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Kris, pinagdududahan sa pangakong hindi na ilalantad sina Joshua at Bimby sa social media

Mahabang panahon bago dumating kay Kris Aquino ang reyalisasyon na bigyan ng kapribaduhan ang mga anak niyang sina Joshua at Bimby.

Kundi pa nakatikim ng mga barubal na bashing ang kanyang bunso na ikinagalit niya ay hindi pa niya maiisip na magpepreno na siya sa paglalabas ng mga retrato at video ng kanyang mga anak.

Pagdating sa pagmamahal sa kanyang mga anak ay walang kuwestiyon kay Kris, dakila siyang ina, mag-isa niyang pinalalaki sina Josh at Bimby.

Natural lang sa isang nanay na ipagmalaki ang kanyang mga supling, lalo na kapag may magagandang nagaganap sa buhay ng mga ito, walang mali du’n si Kris.

Pero kailangan niyang magdahan-dahan, matalino naman siya, alam niya kung saan mapupuri at mapupulaan ang kanyang mga anak. Iwasan niyang i-post ang mga larawan at video kung saan makakasilip ng butas ang mga ba­shers para saktan siya bilang ina.

Siya lang naman ang public figure. Pribadong tao kung tutuusin sina Josh at Bimby, nagkataon lang na siya ang na­ging nanay ng magkapatid, kaya pinagkakainteresan sila ng publiko.

‘Yun ang kanyang pinakahuling reyalisasyon. Pero pinagdududahan ‘yun ng ating mga kababayan. Ang kanilang tanong ay hangggang kailan naman kaya mapanindigan ni Kris Aquino ang kanyang pangako?

Pagdating sa paghawak sa paninindigan ay zero credibility si Kris. Wala na halos naniniwala sa kanya dahil sa araw na ito ay yes ang kanyang posisyon, pero kinabukasan ay iba na.

Balewala sa kanya ang pagbibitiw ng mga pangako. Siya mismo ang sumisira nu’n at hindi ibang tao. Siya ang bubuo at siya rin ang wawasak.

Sana nga ay mapanindigan ni Kris ang pangako niyang bibigyan na ng kapribaduhan ang kanyang mga anak. Tama nang siya na lang ang nasa gitna ng entablado, tama nang siya na lang ang humaharap sa mga camera, nasa likod na lang sina Josh at Bimby.

Tingnan nga natin!

vuukle comment

BIMBY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with