^

PSN Showbiz

Nagkakaedad na lalaking personalidad na talunan sa pulitika, pinagpasa-pasahan ng mga bading noon

Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Dahil sa nakabuburyong na pandemya ay muling nabubuhay ang mga kuwentong nakatago na sa baul ng alaala. Mga istoryang kumbaga sa pagkain ay inaamag na, mga damit na puro kupasin na, biglang pinagpipistahan dahil sa kawalan ng magagawa sa buhay.

Ang bumibida sa kuwento ng mga beking nagsisitanda na ay ang isang kilalang male personality na kinasihan naman ang kapalaran sa kanyang karera.

Galing siya sa isang malayong probinsiya, kung anu-anong trabaho ang pinasok niya sa lungsod para makaraos sa buhay, hanggang sa may makilala na siyang may edad na beki na nagbigay ng kakaibang kaginhawahan sa kanyang buhay.

Kuwento ng aming source, “May-ari ng sari-sari store ang matandang beki, malapit lang ang inuupahan niyang kuwarto sa tindahan, du’n siya nangungutang kapag hindi pa siya sumusuweldo.

“Tinitigan siya ng beki, maitim lang siya pero yummy, kaya mula nu’n, libre na ang food niya, binibigyan pa siya ng datung ng beki!” umpisang kuwento ng aming source.

Hanggang sa lahat na ng beki sa lugar na ‘yun ay nagkainteres sa kanya, naikot niya na yata ang lahat ng bahay ng mga beki du’n, kilalang-kilala siyang pahada.

Patuloy ng aming source, “Nu’ng minsan, e, may nakakitang director sa kanya, binigyan siya ng role sa isang pelikulang pinagtambalan ng isang showbiz couple, napansin siya sa movie.

“Mas dumami na ang mga beking may gusto sa kanya, mga kilalang beki na sa lipunan ang mga nakakachurva niya, gumanda na ang buhay niya, sa totoo lang! At sinuwerte siya, ha? Magaling naman kasi siyang umarte, nagko-comedy pa siya at action!

“Hanggang sa lumaki na nang lumaki ang name niya, yumaman na siya, nagkaroon na siya ng mga karelasyong sikat! Kontrobersiyal ang buhay ng male personality na mahilig sa chicks!

“Kapag napapanood siya ngayon ng mga beking hirap nang maglakad sa katandaan, e, isa lang ang komento nila, ‘Akalain mo ‘yun? Pakalat-kalat lang siya dati dito sa atin, pero hindi na siya maabot ngayon!’

“Mismo! Makulay ang buhay ng male perso­nality na hindi pa nagkasya sa pag-aartista, pumasok pa siya sa pulitika! Pero sorry na lang, hindi siya nagtagumpay, hindi siya sinuportahan ng kanyang mga kababayan!

“Nagkakaedad na rin ang male persona­lity ngayon, pero kitang-kita pa rin ang kanyang kaguwapuhan na pinagkaguluhan nu’n ng mga bading!” pag-alala ng aming impormante.

Ubos!

Julia hinuhulaang matutulad kay Bea!

Komento ng isang kaibigang nakausap namin, isang araw daw ay hindi malayong ma­ging magkaibigan pa nga sina Bea Alonzo at Julia Barretto, kapag nauntog na sa katotohanan ang mas nakababatang aktres.

Parang lumundag na nang malayo ang aming kausap, parang sa isip nito ay hindi rin magtatagal ang relasyon nina Julia at Gerald Anderson, kaya kapag naganap ‘yun ay magiging magkaibigan pa ang dalawang babaeng nag-aagawan ngayon sa aktor.

Kunsabagay, naging magkaibigan din sina Kim Chiu at Maja Salvador na dating pinagsasabong dahil kay Gerald Anderson.

Kailangan namin ng paliwanag sa komento, kaya ang sabi ng aming kausap, “Sa age niya ngayon, e, hindi pa stable ang pakikipagrelasyon ni Gerald. Hindi pa siya ganu’n katatag. Anything can happen.

“Kung babalikan natin, halos lahat ng nakaka-partner niya, e, nagiging girlfriend niya. Madali siyang matukso. Isa siyang mapusok, marupok, po--ok!

“Kapag naipit na siya, e, wala naman siyang inaamin. Tama si Bea, he’s so selfish! Huwag naman sana, pero baka ganu’n din ang mangyari kay Julia,” komento ng aming kaibigan.

Iba naman ang aming pananaw. Bawat tao, lalo na sa aspeto ng pakikipagrelas­yon, ay merong nakakatapat. Maaaring hindi maganda ang kartada ng mga nakaraan niyang karelasyon, naging magulo, pero may matatagpuan siyang babaeng mamahalin niya nang sobra pa sa kanyang sarili.

Puwedeng mangyari ang ganu’n kina Gerald at Julia, lalo na’t pareho nilang ipinaglaban ang kanilang relasyon, paninindigan nila ‘yun hanggang sa huli.

Puwedeng si Julia na nga ang katapat ni Gerald, na pukulin man siya ng mga negatibong salita ay sasaluhin lang nila, pero ipupukol din nila sa hangin.

At harinawang sila na nga ang magkatapat, huwag na sanang madarang pa sa ibang babae si Gerald, dahil kapag nangyari ‘yun ay isisigaw ni Bea ang pinakamalakas nitong halakhak.

Magpakatibay na sana si Gerald sa relasyon nila ni Julia, sobra-sobrang akusasyon na ang ibinabato laban sa kanya, baguhin niya na sana ang imahe niya.

‘Yun lang ang dapat niyang panindigan.

vuukle comment

GERALD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with