^

PSN Showbiz

Ruru, pang-summer ng beau­tederm

SHOW-MY - Pilipino Star Ngayon
Ruru, pang-summer ng beau­tederm
Ms. Rhea at Ruru

Summer na summer na kaya naman ang Beautéderm Corporation, isang sizzling hot new addition sa roster ng mga A-list celebrity brand ambassador nila ang sinalubong, si Kapuso hunk actor Ruru Madrid.

“Very welcome addition si Ruru sa Beautéderm family,” sabi ng Beautéderm President and CEO na si Rhea Anicoche-Tan. “Isa si Ruru sa mga primiere leading men ng GMA 7 at isa siyang extremely gifted actor. Very strong at potent din ng kanyang online reach na perfect para sa Beautéderm. Nakakamangha ang kanyang professionalism and kindness. At napakasarap niyang katrabaho. Surely, this is the start of a wonderful partnership,” chika ni Ms. Rei na anytime now ay magkakaroon na rin ng launching ang expansion ng kanyang business sa garments.

Well, ‘beterano’ na si Ruru sa showbiz. Halos isang dekada na siya actually at nagbida siya sa ilan sa top-rating series ng GMA 7, ang at pinakahuli ay ang The Gift kung saan ginampanan niya ang papel ni Eloy.

Sa ngayon, naghahanda si Ruru para sa  lead role sa primetime series na Lolong – isang action-fantasy na itinuturing na pinakamalaking proyekto ng network to date. Kasama niya rito sina Shaira Diaz at Arra San Agustin.

Isa rin siya sa mga host ng All-Out Sunday (AOS) at paboritong miyembro ng OG Group ng naturang Sunday afternoon variety show.

“Isang privilege at honor na maging bahagi ng Beautéderm family,” ayon kay Ruru. “Grateful ako kay Ms. Rei Tan sa kanyang pagtitiwala sa akin na maging brand ambassador at ‘di na ako makapaghintay sa mga exciting na projects na gagawin namin.”

Ang mga personal na paboritong Beautéderm products ni Ruru ay ang grooming essentials ng Spruce & Dash collection ng brand na kinabibilangan ng Beau Charcoal Soap, Lad Hair Pomade, Hugh Shaving Cream, Charcoal Charmer Face Mask, at Brawn Anti-perspirant White Spray – na mga produktong bahagi ng daily regimen ng batang aktor.

“I start my day with a refreshing shower with Beau Charcoal Soap, a clean shave with Hugh Shaving Cream, a sprits of Brawn for long-lasting freshness, and I cap-off my grooming by styling my hair with Lad. I reward myself with a hot bath at the end of the day with Beau and Charcoal Charmer to remove excess dirt from my face,” chika ni Ruru sa mga produktong ginagamit niya.

Kasama na rin sa marami nilang ambassador ang bagong kasal na sina Luis Manzano and Jessy Mendiola. Ganundin si Ellen Adarna. Kaya ‘wag magulat kung one of these days, ambassador na rin ng kumpanya ni Ms. Rei si Derek Ramsay.

Siyempre, nakatatak na rin sa pangalan ng Beautederm sina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Bea Alonzo, Piolo Pascual, Lorna Tolentino at maraming-marami pang iba.

Pero ang talagang gustong makuha ni Ms. Rei ay si John Lloyd Cruz.

Nauna ko ngang naisulat dito na wanted ang inactive actor kay Ms. Rei.

Gusto niyang idagdag ang actor sa more than 60 product ambassadors ng kanyang kumpanya.

“Dream ko talaga. Kasi lahat ng pelikula niya talagang pinanood ko,” sey ni Ms. Rei nung minsang makausap namin siya.

Kung sabagay ang lakas ng mga produkto niya sa abroad kaya afford na afford niya ang maraming ambassador.

Death of Nintendo, Oda Sa Wala, Motel Acacia mapapanood na sa bansa!

MANILA, Philippines — Pagkatapos ipalabas sa iba’t ibang parte ng mundo, mga Pinoy naman ang makakapanood ng mga pelikulang Death of Nintendo, Oda Sa Wala, at Motel Acacia kapag naging available na ang mga ito sa Pilipinas sa iWantTFC at KTX.PH simula Abril 23.

Handog ng Black Sheep ang tatlong palabas sa halagang P250 kapag bumili ng Black Pack  exclusive pass hanggang Abril 22 sa solo.to/BlackPack. Makakabili pa rin ng regular tickets sa Abril 23 sa halagang P300.

Sa Death of Nintendo, masusubaybayan ang kuwento ng apat na batang magkakasamang pagdadaanan ang pagbibinata, kabilang na ang mga pagbabago sa kanilang pangangatawan at buhay. Sa ilalim ng direksyon ni Raya Martin, pinagbidahan ito ni Noel Comia Jr. at unang ipinalabas sa international audiences sa Berlin International Film Festival noong 2020.

Mapapanood si Pokwang sa Oda Sa Wala, kung saan ginagampanan niya ang isang matandang dalaga at may-ari ng funeral parlor na magbabago ang buhay dahil sa isang bangkay. Humakot ito ng mga parangal kabilang na ang Best Picture at Best Actress sa 2018 QCinema International Film Festival, nagwagi ng dalawang FAMAS awards, at ipinalabas na rin sa film festivals sa Malaysia, Laos, at Czech Republic.

Katatakutan naman ang dala nina JC Santos at Agot Isidro sa Motel Acacia, na susundan ang kuwento ng isang anak na mapipilitang itaguyod ang nakakakilabot na negosyo ng kanyang ama. Nag-world premiere naman ang pelikula sa Tokyo International Film Festival noong 2019.

Kamakailan, natanggap ng Black Sheep ang Rising Producers Circle Award mula sa 4th Entertainment Editors’ Choice o The Eddys na pinili ng mga miyembro ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

Eksklusibong mapapanood sa Pilipinas ang tatlong pelikula sa iWantTFC at KTX.PH simula Abril 23.

vuukle comment

RURU MADRID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with