^

PSN Showbiz

KC, mas mahal ang mga kapatid kay Gabby kesa kay Sharon?!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Iba ang glow,at halata mong masayang-masaya si KC Concepcion sa kanyang picture na inilabas sa social media account niya. Kasama niya ang dalawang pinakabata niyang kapatid na sina Samantha at Savannah, na anak naman ni Gabby sa kasalukuyan niyang asawang si ­Genevieve Gonzales.

Si KC ay sumama pala sa beach house ni Gabby sa Batangas noong Holy Week at doon na inabot ng lockdown. Hindi siya makauwi agad, ang dami nga naman hinahanap, lalo na nga at sa Batangas, ang pinapayagan lamang ay essential travels papasok at palabas ng lalawigan hanggang sa katapusan na ng buwan. Dahil doon mas hahaba pa ang kanilang bonding time na ikinatuwa naman ni KC.

Kapansin-pansin ang ibang closeness ni KC sa kanyang mga kapatid sa ama. Close sila at madalas na magkasama ni Garie, na anak ni Gabby kay Grace Ibuna. Hindi man nila nakakasama pero sinasabi ngang hindi napuputol ang kanilang communications kay Cloie, na nasa abroad at anak naman ni Gabby kay Jenny Syquia.

Ngayon lamang lumabas sa publiko ang pictures nina Samantha at Savannah, dahil din naman kay KC.

Kapansin-pansin ang kanyang excitement basta nakakasama ang mga kapatid sa ama. Kasi siguro hindi naman maikakaila na bagama’t matagal din silang nagkahiwalay, nang muling magkita ay ­nangibabaw ang kanyang pagiging “daddy’s girl.” Isa pa, naroroon nga siguro iyong feeling of responsibility rin, dahil lahat ng kapatid niya sa ama ay puro babae, at siya nga ang panganay sa kanilang lahat.

Sinasabi nga ni KC na totoo namang nagkaroon ng kaunting hindi pagkakaintindihan ang kanilang pamilya. Nabalot din iyon ng maraming controversies, pero hindi naging sagabal kung ano man ang mga problema sa magandang samahan ng magkakapatid. Malaking bagay iyong nagkakasundo ang lahat ng kanyang mga anak, kahit na nga nagkaroon siya ng problema sa mga nanay nila.

Inaamin naman ni Gabby na mahirap nang mangyari ang kanyang pangarap, pero nananatiling pangarap niya na magkaroon ng isang ­malaking tahanan o isang compound kung saan makakasama niya ang lahat ng kanyang mga anak. Hindi naman masamang mangarap, hindi ba?

Mga troll ni Anne, walangbinatbat sa kanyang fund drive!

Kung kami ang tatanungin, napakaganda ng sinabi ni Anne Curtis. Nananawagan siya sa gobyerno na sana ay ipaliwanag nang husto sa publiko kung ano na ang nangyayari at kung ano nga ba ang mga plano laban sa COVID, para habang ang lahat ay nagtitiis at naghihintay sa bakuna na hindi mo alam kung kailan talaga ang dating, magkaisa ang buong bansa at magkatulung-tulong para labanan ang problema. Kaso dahil sa limitasyon ng space, naputol ang post ni Anne at iyong iba naman na hindi na binasa ang karugtong, ang akala ay
binabatikos na ni Anne ang mga amu-amuhan nila. Ang reaksiyon, binanatan agad si Anne at kung anu-ano na ang sinasabi.
Eh si Anne nga nang dumating sa Pilipinas, ­nakipagkaisa agad sa isang fund raising campaign na nakaipon ng anim na milyong piso na hinati nila sa limang LGU na nakita nilang masigasig sa paglaban sa COVID at ganoon din sa Red Cross.

Eh iyon bang troll brigade na walang ginawa kung hindi manira ng inaakala nilang sumasalungat sa kanila at kanilang mga amo, may nagawa na ba?

Baklang pulitiko na playgay,mahilig sa atleta

Hay naku, talaga palang masyadong “playgay” ang naitsismis naming gay politician na nakasalubong namin sa coffee shop ng isang five-star hotel, kasama ang isang “male athlete-starlet.” May nakahula kung sino ang nasa aming blind item, at pilit kaming tinatanong kung sino ang male starlet.
Kasi ang alam daw niyang steady date ng madaldal na gay politician ay isang young male star “na starlet na nga lang ngayon pero dating naging star.” “Kasi sa ilusyon niya, siya ang GF noon na starlet na rin lang ngayon” sabi pa ng aming kausap. Pero magkaiba ang sinasabi niyang “dating naging star na starlet na lang ngayon” kaysa
sa nakita naming “male athlete-starlet.” Aba “playgay” siya talaga, dahil nagdaan din pala “sa
kanyang mga kamay at kandungan” ang isang poging basketball player sa varsity league noon.

vuukle comment

KC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with