^

PSN Showbiz

Panlasa, pang-amoy ni Angeline Quinto bumalik na matapos magka-COVID-19

Philstar.com
Panlasa, pang-amoy ni Angeline Quinto bumalik na matapos magka-COVID-19
Kuha mula sa vlog ng singer-actress na si Angeline Quinto, ika-28 ng Marso, habang nasa ikatlong araw ng self-quarantine
Video grab mula sa Youtube channel ni Love Angeline Quinto

MANILA, Philippines — Masayang ibinalita ng singer-actress na si Angeline Quinto ang dahan-dahang pag-igi ng kanyang lagay habang patuloy na nakikipagbuno sa dinaramdam na coronavirus disease (COVID-19).

'Yan ang inilahad ni Angeline ngayong araw sa social media ilang araw matapos niyang ianunsyong tinamaan siya ng nakamamatay na virus.

"May panlasa at pang amoy na ulit ako. Salamat Panginoon," sabi ni Angeline, Martes ng umaga.

 

 

Kilalang sintomas ng nakamamatay na virus ang mga nabanggit, gaya na lang ng ubo, lagnat, pagkapagod, atbp.

Ika-1 ng Abril nang unang ibalita ng mang-aawit ang kanyang kalagayan sa isang vlog na pinamagatang "My COVID-19 Journey."

Aniya, na-expose kasi siya sa isang COVID-19 positive patient kung kaya't kinailangan niyang mag-self-quarantine. Kauuwi lang niya noon mula sa isang lockdown taping sa Laguna, kanyang paliwanag.

"Nakasabay ko kumain. 'Pag kakain, walang mask. Nakapagkuwentuhan kami. Para sa ikakatahimik at safety ng lahat, napagdesisyunan na pati ako po pauwiin muna ng Manila kaysa magtrabaho doon kasi po na-expose po ako don sa positive sa COVID," sabi niya sa isang video noong isang linggo.

"Nakakalungkot. Nag-positive po ako sa COVID. Ito pa naman ang lagi kong sinasabi sa mga katrabaho ko, na laging mag-ingat. Parang this time sarili ko yata ang hindi ko naingatan."

 

 

Una na niyang sinabi na nagpa-test na rin sa sakit ang kanyang mga nakasama sa bahay ngunit mapalad naman silang nagnegatibo sa karamdaman.

Sa huling ulat ng Department of Health (DOH), umabot na sa 812,760 ang tinatamaan ng naturang pathogen sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, binawian na ng buhay ang nasa 13,817. — James Relativo

vuukle comment

ANGELINE QUINTO

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with