^

PSN Showbiz

Jessy hindi feeling artista‘pag kasama si Luis!

Pilipino Star Ngayon

Tagumpay si Jessy Mendiola sa puso ni Luis Manzano! Siya na ngayon si Mrs. Luis Manzano!

Last Easter Sunday isinapubliko ni Jessy ang civil wedding nila ni Luis na naganap sa The Farm, San Benito, Lipa City, Batangas sa kanyang vlog.

February pa pala naganap ang kasal nila.

Suot ang simpleng puting gown na gawa ni Patricia Santos habang pink suit naman ang suot ni Luis na gawa ng Filipino designer na si Paulo Lazaro.

Present ang estranged parents ni Luis na sina Congresswoman Vilma Santos-Recto at Edu Manzano. Kasama ni Cong. Vi ang husband niyang si Senator Ralph Recto.

Sa totoo lang, parang katulad ng pagpapakasal nina Edu at Ate Vi ang kasal nina Luis at Jessy. Sa pagkakatanda namin, lihim ding ikinasal noon sina Doods at Ate Vi at kung hindi kami nagkakamali eh sa ibang bansa sila ikinasal noon.

Last December 2020 inanunsyo ang engagement nila at matapos ang ilang buwan eh ikinasal na sila.

Siyempre, sa lahat ng babaeng naging girlfriend ni Luis, waging-waging si Jessy sa puso niya.

Sa aming alam, hindi kasi feeling artista si Jessy sa relasyon nila ni Luis, huh!

Unica hija ni AiAi, engaged na

Engaged na ang unica hija ni AiAi de las Alas na si Sophia na Budang ang tawag niya sa kanyang sa boyfriend na may username na @vinncebautista sa Instagram account nito.

Ipinakita ni AiAi ang engagement ring ni Sophia. Ayon sa kuwento ng anak, nahaluan ng comedy ang proposal na ’yon na sinagot niya ng ‘yes.’

Sa caption ni AiAi, nakiiyak siya sa proposal dahil umiyak din ang anak.

“Naway maging maligaya at puno ng pagmamahalan ang inyong pagsasama…” bahagi ng caption ni AiAi.

vuukle comment

JESSY MENDIOLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with