^

PSN Showbiz

Zsa Zsa, kasama na sa Almost Paradise!

Pilipino Star Ngayon

Natuloy ang pagtugis ng dating secret agent na si Alex Walker sa mga kriminal sa US crime drama series na Almost Paradise na pinalabas noong Linggo sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live at iWantTFC.

Nasaksihan mismo ni Alex (Christian Kane) ang panggugulo at pananakot ng isang grupo sa mga street food vendor. Ito ay matapos niyang subukan ang nilarang bakasi at balut kasama ang kaibigang Pilipinong pulis na si detective Ernesto Alamares (Art Acuña).

Para matigil ang pananamantala ng mga ito, muling mag-a-undercover ang dalawa na magkatulong din sa paghuli ng mga bigtime na drug smuggler at human trafficker sa unang dalawang episode.

Samantala, mayroon namang nadiskubre ang kapwa detective ni Ernesto na si Kai Mendoza (Sam Richelle) sa isa nilang katrabaho, matapos ma-assign bilang security ni Governor Nina Rosales, na ginagampanan naman ni Zsa Zsa Padilla.

Bukod kay Zsa Zsa, napanood din sa episode ng kauna-unahang US series na kinuhanan nang buo sa Pilipinas ang iba pang Pilipinong aktor tulad nina Nonie Buencamino, Lou Veloso, Michael Roy Jornales, Eric Tai, Zeppi Borromeo at Ricci Chan.

Mula nang unang ipalabas noong Marso 21 sa Kapamilya Channel, umani na ng papuri ang Almost Paradise,  isang produksyon ng Electric Entertainment at ABS-CBN. Tampok sa pang-Hollywood na programang ito ang all-star Filipino cast habang puro Pilipino rin ang production crew nito.

Tampok ang kuwento ng isang retiradong US DEA agent na nais magsi­mula ng bago at tahimik na buhay sa Pilipinas bilang gift shop owner. Mababalik siya sa dating gawi upang makatulong sa paghuli sa malalaking kriminal na mapapadpad sa paraisong kanya ngayong tinitirhan.

Karelasyon, ibabalik

Simula ngayong April 5, mapapanood muli ang award-winning at pinag-usapang drama anthology series na Karelasyon.

At kung dati ay isang beses lang ito sa isang linggo, ngayon ay araw-araw na itong eere dahil magiging bahagi ito ng GMA Afternoon Prime line-up.

Mula Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng Eat Bulaga, muling balikan ang mga tumatak na Karelasyon episodes na base sa karanasan ng mga magkarelasyong nagkaroon ng matinding hamon sa pagsasama.

vuukle comment

US

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with